LIGTAS NA nakabalik sina Lauro at Devee subalit kapansin-pansin ang nanghihinang katawan ng dalaga. Maging ang punit-punit at namarkahan ng dugo na damit nito. "D-devee.." napapatakip sa bibig na wika nila nang makita nila itong karga-karga ni Lauro. At mula sa isang cubicle kung saan sila nakatambay ay pinaupo nila roon si Devee. Saka ito nilapitan ni Kitch na dala pa rin ang first aid kit. "Daizy, bilihan n'yo na muna ng maisusuot na pamalit na damit si Devee," utos ni Kitch kay Daizy. At magkasamang bumili sina Daizy at Siobe sa malapit na cloth vendor. Habang si Fudge naman ay pinainom ng tubig si Devee. "S-salamat," tanging nasabi ni Devee. "Hay, hindi mo dapat sinapit 'yan, Devee," wika pa ni Fudge. "B-buong akala ko ay katapusan ko na.. m-mabuti na lamang at hindi na kami inab

