PAGKARATING NILA sa accesories shop ay agad nilang nakuha ang kanilang order na bracelet. "Sigurado akong hindi na tayo maiisahan ng mga Obalagi nang dahil sa bracelet na 'to," wika ni Kitch matapos nila iyong maisuot isa-isa sa bandang sakong ng kanilang paa. Mabilis silang nakalikas doon at saka bumalik ng Ademian University. Doon lang din nagpaalam sa kanila sina Wakan at Lauro. "Kailangan na muna naming lumikas, upang alamin ang binabalak ng pinuno at nila Zytus," wika ni Wakan sa kanila. "Sige, mag-iingat kayo," sabi ni Fudge at gayon naman ang pagtango nina Kitch, Devee, Daizy at Siobe. Matapos ay mabilis ang mga itong naglaho sa kanilang paningin. "Oo nga pala at isa pa rin silang Obalagi dahil sa taglay nilang kapangyarihan," ang nasabi ni Siobe matapos makita ang biglang pagla

