MATAPOS MAKAUSAP ang paring si Father Monese ay bumungad sa kanila sina Wakan at Lauro pagkalabas lamang nila ng simbahan. At ang huling sinabi ni Father Monese ay tila tumatak kay Siobe kung kaya't kwinestyon niya kaagad ang mga ito. "Wakan, Lauro, nakita n'yo ba ang aking liham? Doon ko mismo hinulog 'yon sa pinto ng bahay kubo ni Lola Esma, sa pag-aakalang naroon pa no'n sila Kitch." Sandaling napa-isip si Wakan sa tinutukoy ni Siobe at muli nito iyong naalala. "Liham? Minsan ko na nga iyong nakita pero hindi ko alam kung saan na iyon napunta." "Bakit hindi mo iningatan?" inis na tanong ni Siobe. "Paumanhin, binibini, pero 'wag kang mag-alala at susubukan kong hanapin 'yon." "Babalik ka sa bayan ng Mumayta?" pang-uusisa ni Kitch. "Oo, kung kinakailangan. Sa tingin ko ay nahulog la

