CHAPTER II

2483 Words
Chapter II Ang pangakong pag-uwi ni Xander ay hindi natuloy. Mas lalo lang lumaki ang eyebag ko kakaantay sa pag-uwi niya. Pero mukhang ibang bahay ang inuwian nito dahil umaga na hindi pa rin ito dumarating sa pamamahay ko. Alam kung busy siya dahil sa gusto niyang makuha sa trabaho niya pero sa nakita ko kagabi ay nagda-dalawang isip ako. Ngunit mas nangingibabaw ang takot ko na baka nga ibang babae na pala ang inuuwian ng asawa ko. Sinubukan ko itong tawagan pero hindi pa siya sumasagot sa tawag ko. Sa ilang oras kung nag-aantay ay kung ano-ano nang senaryo ang tumatakbo sa utak ko. Bigla akong nakakaramdam ng paninikip ng dibdib, hindi ko alam kung dahil sa wala pa s’ya dito o dahil sa ideyang baka iba na ang kasama n’ya. “Mommy, hindi po ba uuwi si Daddy?” tanong ng panganay ko habang nag-aalmusal kami. Napisil ko ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Natatakot akong masaktan sila kung totoo ngang nagloko ang Tatay nila lalo na at nakita nila ang larawang hinayaan niya pang lumabas sa social media. Alam kung boss niya ang babaeng ‘yon pero sa paraan ng pagkakalingkis nito sa braso ni Alexander ay iba ang tingin ko. Ganito yata ang mga babae masyadong nagoover-thinker. Minsan nakakaganda naman siya pero madalas ay doon nag-uumpisa ang mga away at ang walang katapusang hinala. At mahirap iwasan ‘yon lalo na at hindi niyo naman alam kung ano ang iniisip ng isa’t isa. “Bakit wala pa rin diyan si Xander?” tanong ni Saffron na nasa kabilang linya. Lagi kaming magkasama at nagkikita pero hindi kamio nauubusan ng pag-uusapan kahit nasa telepono. Noon siya ang madalas makinig ng mga reklamo ko sa buhay at sama ng loob sa mga lalaki ko. Ngayon na nag-asawa kami ay mas marami na siyang hinaing kesa sa akin. Mas marami na siyang bagay na madalas ikwento kahit maliit na bagay lang ito. Samantalang ako ay mas naging malihim sa nararamdaman ko habang tumatanda ako. “Palagay mo kausap kita kung nakauwi na?” pabalang kung sagot sa kanya. “Peste ka! Hindi ako ang asawa mo kaya huwag ako ang awayin mo. Puntahan mo ako sa café mamaya para naman malibang ka,” bilin niya bago nagpaalam. Gising na daw kasi ang asawa niya at kailangan na niyang asikasuhin. Ako naman ay inaasikaso na rin ang mga anak ko dahil may pasok pa sila sa school. Wala naman kasi akong katulong para utusan hindi gaya ni Saffron na kabilaan. Pero mas gusto niya pa rin na siya ang mag-asikaso ng pamilya niya kasi iba pa rin daw ang nagagawa noong fulfillment para sa kanya. Which is totoo naman kahit ako sa mga anak ako ay iba ang saya kapag nakikita ko silang natutuwa o nagpapasalamat sa mga simpleng bagay na ginagawa ko para sa kanila. “Baby, do you want egg or hotdog?” baling ko kay Amora na abala sa paglalagay ng butter sa pancake niya. “Mom, just make us egg. You don’t have to make us more food. This is too much already.” Mabilis na lang akong napatango sa masungit kong anak. They are a fraternal twins. At sa lahat din ng bagay ay magkaiba sila. Kung tahimik si Amhed ay kabaliktaran naman ni Amora. Sabi nga ng malalapit naming kaibigan ang energy ni Amora ay nakuha sa akin at hindi na ako nakipagtalo sa parting ‘yon. Nilapitan ko si Amhed at niyakap. “Ito po na po ang egg niyo.” Maya-maya ay nilapag na ni Amora ang hawak niyang kubyertos at nakiyakap na rin sa aming dalawa ng kapatid niya. “Okay. Let’s eat na. Ihahatid na kayo ni Mommy bago ako pumunta sa tapsihan,” saad ko bago sila pinabalik sa kanya-kanya nilang upuan. Nang ipanganak ko ang kambal ko ay akala ko matutuluyan na akong mamatay dahil nag preeclampsia ako. Kahit ilang beses kung prinaktis ang normal delivery ay nauwi rin ako sa cesarean section dahil kung hindi ko sila mailalabas ay ako o sila ang mawawala. Pero lahat ng hirap at sakit na naranasan ko ng araw na ‘yon ay talagang sulit ng makita ko silang dalawa, pakiramdam ko ay ako na ang pinakaswerte sa buong mundo ng mahawakan ko sila. Hinanda ko na ang mga damit nila habang naliligo dahil tinuruan ko naman ang mga anak ko na matutong alagaan ang mga sarili nila kapag wala ako o di naman kaya ay busy. Hindi sila pwedeng umasa sa akin dapat maliit palang sila ay matuto silang maging independent at hindi laging nakaasa sa iba. Kaya sobrang gaan din sa akin dahil nga marunong na silang kumilos mag-isa. Pero madalas ay natatakot akong isang araw ay hindi na nila ako kailanganin dahil kaya na nila ng wala ako. “Wala na ba kayong nakalimutan?” “Wala na, Mommy. I already pack my things last night and made sure that it was complete,” pagyayabang ni Amora na naupo na sa car seat niya. “And you, young man? Are we good?” tanong ko sa anak kung tahimik lang na pumasok sa kotse. “Yes, Mom. I’m good. We are good. Are you?” Saglit akong natigilan sa tanong ni Ahmed at tipid na napangiti. Nang sulyapan ko ang side mirror ko ay saka ko lang nakita ang itsura kung para akong ginahasa ng sampung lalaki. Mabilis akong umakyat sa kwarto at nagpalit ng maayos-ayos na damit at inayos ang buhok kung nagliliparan na sa sobrang gulo. “Okay. Let’s get moving,” saad ko pagkapasok ng sasakyan. Didiretso na ako sa tapsihan pagkatapos ko silang ihatid. Dahil siguradong marami na namang tao ngayon lalo na at maglalunch na kaya matatambakan na naman sila ng mga dine out at dine in na order. Mas mahirap kasi kung lahat sila ay nagsiserve tapos tatao pa sila sa counter. Nasa labas palang ako ng tapsihan ay nakapila na ang mga taong nag-aantay ng turn nila para makapasok sa loob. Dati noong nakita ko ang lugar na ito ay napapa-isip ako kung anong masarap sa tapsihan nila Xander. Pero noong lagi na kaming kumakain ni Saffron doon ay may pagkakaiba nga ang lasa ng luto nila sa normal na tapsi lang kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming kumakain sa kanila. “Ate Xie, good morning!” “Good morning din! Mukhang nakarami na kayo ah! Kailangan pa ba ako dito?” tukso ko sa kanilang lahat. “Naku naman si Ate. Opo marami ng nakapila para magbayad sa inyo pati ang ibang take out orders,” sagot ni Cari na abala din sa pagsiserve ng pagkain. Si Samuel ay halos natapos na sa ilang kaldero niyang niluluto kaya pati ito ay kasali na sa nagsiserve sa mga tao. Maingay, magulo at nakakapagod ang buhay na meron ako pero sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti mula sa mga anak ko at mga taong kasama ko dito ay nawawala ang lahat ng pagod ko. “Okay. Umpisahan na nating ipatikim sa kanila ang masarap na Aling Beneng’s.” Kahit gaano ko ibuhos ang oras ko at buong atensyon sa trabahong nasa harap ko ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol kay Xander. Hanggang ngayon ay wala pa ring tawag o message man lang ito sa akin. Hindi ko alam kung masyado itong abala o ayaw niya lang akong kausap. At dahil hindi ako makatiis ay kinuha kung muli ang telepono ko at tinawagan si Xander. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko matapos ang ilang ring ay may sumagot sa tawag ko. “Alexander, nasaan ka na ba? Kagabi pa kami tawag ng tawag sayo ng mga anak mo,” bungad kung tanong kay Xander. “Oh, you’re looking for Alexander? He’s still in the shower. I’ll tell him that you call.” Isang babae ang sumagot sa kabilang linya at hindi man lang ako nito binigyan ng pagkakataon na magsalita pinatayan niya na agad ako ng cellphone. Pakiramdam ko ay saglit akong nilipad sa kung saan ng tawag na ‘yon. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla ko ng kalabitin ako ni Cari. Itinuro niya ang nasa harapan ko saka ko lang napansin na mahaba na ang pila sa harap ko. Hindi ko alam kung anong gagawin sa narinig ko kaya kahit nanginginig ang mga kamay ko ay tinapos kung I assist ang mga taong nagbabayad sa harap ko. Hindi ko nga alam kung tama pa ang singil ko at mga sukli sa kania ang alam ko lang ay gusto ko na silang maubos para makaalis na din ako at mapag-isa. Naiiyak na ako sa sobrang prustrasyong nararamdaman ko. Ang dami naming problemang kailangang pag-usapan pero ang asawa ko ay hindi ko mahagilap. Nakontak ko nga kanina pero ibang babae naman ang sumagot sa tawag ko. Isang babae na may ideya ako kung sino pero natatakot akong tanungin. Natatakot ako na baka ang hinala ko ay totoo at mas lalo akong masaktan. Ganito pala iyong pakiramdam na parang hindi ka makahinga sa sobrang galit, inis at prustrasyong tumatakbo sa utak mo. Ganito pala ang pakiramdam nang wala ka pang ginagawa pero para ka ng talo. “Nasaan ka?” tanong ni Saf ng sagotin ko ang tawag niya. “Nandito lang sa park.” “Pumunta kana dito. Ngayon din.” Pagkababa ko ng tawag niya ay mabilis akong nagmaneho papunta sa café niya. Kahit nagdadrive ako ay hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko. Muntik pa akong mabunggo dahil nagdidilim na ang paningin ko sa mga luhang naiipon sa mata ko. Sa ilang taon naming pagsasama ay hindi ko ito naramdaman. Ngayon lang pero parang binabawi nito ang masasaya naming oras sa bawat isa dahil sobrang sakit isipin na baka totoo ang lahat ng hinuha ko. Mahal ko ang asawa ko. Pero kapag kinakain ka na pala ng galit ay natatabunan na nito ang mga tama na dapat mong gawin at isipin. “Anong nangyari?” Pagkakita ko palang sa kaibigan ko ay sunod-sunod na namang dumaloy ang mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan. Mga luhang tanda na pagod na ako at hindi ko na kaya pang labanan ang sakit na nararamdaman ko. Para akong batang umiiyak sa balikat ni Saffron. Hindi ako sanay ng ganito dahil ang iyakin sa aming dalawa ay siya. Ako ang lagi niyang takbuhan at tiga pagpatahan pero ngayon ay kabaliktaran noon ang lahat. Iba na ngayon at hindi ako sanay doon. “Alam mo kung iyak ka lang nang iyak paano kita matutulungan?” asik ni Saffron habang inaabot sa akin ang pangalawang roll ko ng tissue. “Eh, naiiyak ako. Anong gagawin ko?” “Sige na nga. Umiyak ka lang diyan hangga’t gusto mo. Zillion… umuwi na nga tayo at iwan na natin itong kaibigan kung puno ng kadramahan sa katawan at kahit umiyak ka diyan walang magbabago sa sitwasyon mo. Kung maayos ako ngayon ay siguradong ako ang maingay at daldal nang daldal sa kanya. Pero ngayon ay baliktad ang sitwasyon naming dalawa. Ako ang umiiyak at siya dumadaldal. Sa dami ng pinagdaanan naming magkaibigan siya lang talaga ang nakakapag tiyaga sa kaingayan ko. Minsan kasi pati sarili kung asawa ay tinutulugan na ako pag nag-umpisa na akong dumaldal. Kaya nagpapasalamat talaga ako na binigyan ako ng isang matiyaga at mabait na kaibigan. “Ibig mong sabihin noong sinabi niyang uuwi siya. Until now wala pa?” Tanging pagtango lng ang kaya kong isagot sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko. “Tapos ng tawagan mo babae ang sumagot?” muli akong tumango at napapitlag ng biglaang sumigaw si Saffron. “Sinasabi ko na ng aba—“ “Baby, tigilan mo na. Huwag mo ng bigyan pa ng another problem ang kaibigan mo. Maybe you just need to wait for him to go home, Xie. Misunderstanding is not a good start,” pigil ni Volt sa asawa niya. Sana nga ganoon lang ang lahat. Sana nga misunderstanding lang ang lahat. Pero habang tumatagal ay mas natatakot ako na baka hindi na misunderstanding ang lahat. Baka this time totoo na ito. Baka this time talagang binitawan niya na ako. Sa ilang oras na umiyak ako at kinomport ni Saf ay napagod din ako at nagpahatid nalang sa bahay. Pag-uwi ko sa bahay na nasundo na rin ng driver nila Zillion ang mga anak ko. Pilit kung inayos ang sarili ko at laging sinisiksik sa utak ko ang sinabi ni Zillion na baka nga misunderstanding lang ang lahat. Pero habang tumatakbo ang oras ay mas lalo akong kinakain ng takot at selos ko. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa lalaking kababa lang ng kotse niya. “Alam mo ba kung anong oras na? Nakiusap ako sa ‘yo na huwag akong puntahan dito dahil baka makita ka ng mga anak at asawa ko,” patuloy ko habang yakap ang sarili. Ang dami ko ng problema pero talagang sumisingit pa ang lalaking ito. Napagod na ako sa pag-iyak ko maghapon pero heto siya at talagang nagawa pang tumigil dito sa bahay para lang kulitin ako. Hindi ko nga alam kung nasaan ang asawa ko. “I was calling you and you are not answering my call. What should I do then? Still wait for you?” “Obligasyon ko ba na sagutin ang tawag mo? Tang’na wala nga akong ideya sa sinasabi mo tapos ngayon magdedemand ka sa akin? Do you even know how fvck up my life right now?” sigaw ko na puno ng prustrasyon. “It’s not my obligation to explain you everything. All I know right now is I paid for you and you are mine.” Naikuyom ko ang mga kamao ko at buong lakas siyang sinampal. “Paid me? Yours? Ang kapal din talaga ng mukha mo,” tiim bagang kong sigaw sa kanya. Pero ang pagtatalo naming dalawa ay natigil ng isang kotse ang pumarada di kalayuan sa amin. Hindi ito sa tapat ng gate namin pumarada kaya binalewala ko. Akala ko sa libro at mga drama lang sa tv nangyayari ang mga ganitong eksena pero habang pinapanood na bumaba ang babaeng ‘yon sa kotse ng asawa ko ay parang dinudurog din ang puso ko. Pinanood ko siyang maglakad palapit kay Xander bago inilagay nito ang kamay niya sa braso ng asawa ko at dahan-dahan iyong hinaplos na animoy nagbibigay sa kanya ng kakaibang lakas. Akmang hahakbang na ako palapit sa kanila ng bigla nalang itong tumingkayad at pinatakan ng halik sa labi ang asawa ko. “Lord kung gusto mo akong pasakitan huwag naman po sanang ganito,” bulong ko kasabay ng tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko at panlalambot ng tuhod ko. Hindi ko akalaing mangyayari ito sa akin na para bang madalas ay sa mga kdramang pinapanood ko lang nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD