Chapter I
Ilang beses ko nang pinisil ang mga daliri ko at kinagat ang ibabang labi ko sa pagbabaka sakaling hindi totoo ang narinig ko. Na baka sakaling nanaginip lang ako at hindi talaga totoong nangyayari ang lahat ng ito.
Paano ako napunta sa lugar na ‘yon? I don’t even know that site.
Paano niya ako bibilhin?
At sinong magaling ang magbibenta sa akin? Hindi pa naman siguro ako nahihibang para ibenta ko ang sarili ko.
May asawa na akong tao at may anak pa kami, kaya paano ako nasali sa bentahang ito? Nagbibiro lang ang lalaking iyon hindi ba?
After all it’s been years since the last time I saw that guy.
Kinuha kung muli ang telepono ko at tinawagan ang asawa ko. I need to confirm something or even an idea why this is happening to me. Pero putang’na nakakailang tawag na ako kay Xander ay hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya o talagang busy lang siya sa meeting na pinuntahan n’ya.
Nanghihina akong umupo sa couch dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko. Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa kanya at sa mga sinabi niya. Iyong nananahimik ang buhay ko tapos biglang may kakatok sa pintuan mo at sasabihing siya ang nakabili sayo.
Paano ka hindi mababaliw ng ganito?
“Xie… Xiee..” Dali-dali akong napatayo sa pagkakahiga ko sa couch. “Xie, where the hell are you?”
Imbes na mabahala ako para sa sarili ko mas nabother ako sa itsura niya para itong ginahasa dahil sa ayos niya ngayon at suot Nakanightie sa ilalim at pinatongan lang ng robe na mahaba tapos ang buhok nito ay gulo-gulo pa na parang nagmamadali talagang makarating dito sa bahay. Napatingin pa ako sa likod niya dahil baka kasama niya ang mga inaanak ko pero mukhang siya lang talaga ang nandito.
“Ano bang nangyayari?”
“Umupo ka muna at huminga ng malalim,” utos niya na para bang importante ang sasabihin niya at baka hindi ko ito kayanin.
Noon kapag may problema siya ay ako ang nauunang tumatakbo sa kanya para tulongan siya o maging sandigan niya. Ngayon heto at siya itong hindi magkanda-ugaga sa pag-aasikaso sa akin. Napapaisip tuloy ako kung gaano nga ba kalala ang nangyayari sa akin.
Sumasakit na naman tuloy ang ulo ko dahil sa post na ‘yon.
“May ideya ka ba kung sino ang nagpost ng article?” tanong ni Saffy nang mahimasmasan at naupo sa tabi ko.
“Palagay mo? Kakagising ko lang Saf. Ni wala nga akong ideya na may bidding na pala tungkol sa akin.”
“Anong gagawin mo? Alam na ba ito ni Xander? Ang mga bata? Ang mga—“
“Hey, awat. Dahan-dahan lang dahil kahit isa diyan sa tanong mo ay wala akong alam,” putol ko sa kung ano pang itatanong niya sa akin.
Ang daming tanong na tumatakbo talaga sa utak ko ngayon, pero kahit isa wala akong maisip na sagot. Kanina ko pa sinusubukang tawagan ang asawa ko pero hindi niya rin naman ako sinasagot. Tang’nang Xander talaga ito kung kailan kailangan ko saka pa siya hindi mahagilap.
“Nasaan ba kasi ‘yang asawa mo at binibenta kana hindi pa rin niya alam.”
“Kung alam ko kung nasaan siya Saf, hindi ko na rin sana siya hahanapin ‘di ba?” Wala sa sariling naiikot ko nalang ang mata ko dahil sa kanya. “Alam ba ni Volt na nandito ka ng ganito kaaga?”
Pagbagsak akong napasandal sa sofa at naipikit. Ang aga-aga pero sumasakit na ang ulo ko sa problemang nasa harap ko. Muli kong tinaas ang papel na iniwan sa akin ng lalaking ‘yon. Isa itong resibo na natanggap na ang cheke at maaari ng iclaim ang binili niya.
Like what the hell?
Tao ako at hindi bagay na basta nalang ibebenta at bibilhin ng kahit sino. Hindi man mayaman ang asawa ko pero hindi ko rin naman s’ya ipagpapalit kahit ganoon. Madalas man kaming mag-away pero masaya naman ako sa pamilyang meron ako. Masaya ako kahit lately ay maraming problema ang dumarating sa amin.
“Teka, andiyan na yata ang pinadeliver kung pagkain,” kunot noo kung sinundan ng tingin ang kaibigan ko.
Pagbalik niya ay may dala na siyang iilang balot ng plastik. At lahat ‘yon ay pagkain ang laman. Sinusundan ko lang siya ng tingin habang komportableng kumikilos sa bahay ko na para bang kanya ito. Sabagay ganoon din naman ako sa mansyon nila. Mas makapal pa nga minsan ang mukha ko dahil doon pa ako natutulog kasama ang mga anak ko. Mabuti nalang din talaga at mabait ang asawa nito kaya hinahayaan lang si Saffron sa mga bagay na gusto niyang gawin.
“Xie, kumain muna tayo. Nagugutom lang ako dahil sa stress diyan sa problema mo,” napapailing nalang akong sumunod sa kanya sa kusina.
Sinabayan ko nalang ng pagkain ni Saffy. Binuhos ko lahat ng inis ko sa pagkaing nasa harap ko. Kakalimutan ko munang hindi dapat ako magcarbs dahil kailangan ko ito ngayon. Kailangan ko ng mapagbabalingan ng nararamdaman kung galit ngayon dahil wala akong magawa kung hindi ‘yon.
Sino ang matinong tao ang ibebenta ako? Si Xander ba ‘yon? Tang’na niya malaman ko lang na ibibenta niya nga ako ay talaga magkasubukan kaming dalawa. Hinayaan ko na nga siya na gawin ang gusto niya. Iniwan niya sa akin ang mga anak namin pati na rin ang Tapsihan kasi gusto niya daw ma experience ang magtrabaho sa isang kompanya. Hinayaan ko siya dahil iyon ang trabaho ng mga asawa ang suportahan ang isa’t isa.
“Hey, Xander can’t do that. Huwag mo nang pansinin ang sinabi ko. Siguradong may galit lang sayo at nilagay ang litrato mo doon para pagtripan ka.”
“Hindi ka ba hahanapin ng mga inaanak ko?” tanong ko ng biglaang maalala na sobrang aga pa para tumambay siya rito.
“Papunta na si Zillion dito. Huwag mo nga intindihin ‘yong asawa ko. Ang isipin mo ngayon ay kung paano mo sasabihin sa gagong lalaking kumatok diyan sa pintuan mo kanina na hindi ka naman for sale dahil may asawa ka na.”
Iyon nga din ang gusto kung gawin pero parang hindi yata mangyayari ‘yon dahil lahat ng pinakita sa aking dokumento ng baliw na ‘yon ay totoo. At sa hindi ko malamang dahilan ay wala akong ibang pinagdududahan kung hindi ang asawa ko dahil walang ibang nakakaalam ng tungkol sa buhay ko bukod sa babaeng ito na nasa tabi ko at sa asawa ko na hindi ko alam kung nasaan.
“Hello, Mahal.”
“Xander, god. Kanina pa kita tinatawagan. Gaano ka ba kabusy at hindi mo ako masagot?” naiinis kung bungad sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko.
“Sorry, nasa meeting kasi ako. Ngayon na ang huling araw ng convention kaya siguradong makakauwi na ako mamaya,” imporma niya.
Sinampay ko ang huling damit na nilabhan ko bago muling kinuha ang telepono kung naka speaker mode dahil nga may ginagawa ako. Hindi ko na sana sasagutin ang tawag niya pero siguradong hindi niya na naman ako masasagot mamaya.
“Oo kailangan mo nang umuwi dahil baka mamaya ay wala ka ng asawang uuwian.”
Ayoko ng gulo at ayokong makipag-away sa kanya lalo na at napapadalas na ang away naming mag-asawa. Kapag galit ako marami akong nasasabing hindi maganda at aware ako doon. Hindi ko lang mapigilan lalo na at marami akong nakikitang hindi maganda sa ginagawa niya.
I wanted us to be okay not to be perfect. I want us to live us a happy family but circumstances always happen after another.
“Sorry na mahal. Mamaya nandyan na ako okay? After this mapopromote na asawa mo. May executive ka ng asawa.”
Bakas ang saya at pagiging proud niya sa achievement niyang ito. At masaya ako para sa kanya dahil pinaghirapan niya ito ng husto. Masaya ako na natutupad niya ang pangarap niya.
Matapos naming mag-usap ni Xander ay tinapos ko na ang labahin ko at mga linisin dito sa bahay. Kailangan ko pang pumunta sa tapsihan para tumao doon. Siguradong maraming tao ngayon dahil weekend at baka hindi nila kayanin lalo na meron kaming mga bagong trainee.
“Magandang umaga, Ate Xie!”
“Magandang umaga din, Cari! Kumusta ang benta?” tanong ko nang makapasok ng Tapsihan.
Sa labas palang ay marami na ding nakapila na mga nag-aantay ring makakain. Sikat ang tapsihan nila Xander dahil sa masarap na timpla ng pagkain nila dito. Noon ganito din kami ni Saf madalas kaming tumambay dito lalo na noong nag-aaral pa kami. Panay na nga reklamo ni Saffy na puro na daw mantika ang dugo niya dahil mas madalas na ito ang kainin namin dahil ang iba naming kaibigan ay ito lang ang afford.
“Gaya ng dati Ate. Hindi na yata magsasawa ang tao kakakain ng tapsi natin,” sagot ni Cari.
Hindi ko mapigilang matawa sa reklamo ni Cari. “Kapag nagsawa na sila wala na rin kayong trabaho.” Parinig ko habang tumatawa papalayo sa kanya.
Nasa lima lang naman ang mga tauhan dito sa branch na malapit sa amin ni Xander. Before doon kami sa malaking branch na hawak ngayon ng Kuya niya. Halos pagod din kami dahil hindi rin kaya ni Xander na araw-araw din itong magpuyat at trabaho sa tapsihan. Dahil kailangan din ng mag-aalaga ng anak namin ay nagresign ako sa dati kung work at ako ang namahala dito.
Minsan nakakapanghinayang lalo na at mataas na ang posisyong meron ako. Pero mas importante ang pamilya ko kesa sa trabaho ko kaya hinayaan ko nalang na si Xander ang magtrabaho para sa amin. Ngunit sadyang hindi yata mawawala ang minsang inggit natin para sa kapareha nating malaya at malayo na ang nararating kesa sayo. Hindi naman sa hindi ako masaya para kay Xander pero hindi ko maiwasang isipin ang dating ako kung hindi ako nagresign at piniling manatili dito sa bahay.
Mga bagay na ginusto naman natin pero hindi mo maiwasang manghinayang sa mga bagay na nawala sa ‘yo.
Mapait akong napangiti sa maliit na salaming nakadikit sa harap ng lamesa ko. Nakapusod pataas ang buhok ko at halos hindi pa maayos ang pagkakatali ko dahil nakalaylay pa ang iilang mga hibla ng buhok ko. Isang malaking tshirt ang suot ko na pinaresan lang ng maluwag na pajama. Mukha akong nasa bahay lang sa itsura kung ito pero hindi ako nababother sa ilang taon kung ginagawa ang ayos na ito. Ngayon lang—tanging ngayon ko lang muling naisip ang sitwasyon ko.
Ngayon ko lang ulit napansin na masyado ko ng naiwala ang sarili ko.
“Ate Xie, kailangan na palang mamili ng bagong stocks ubos na ‘yong pinamili natin kahapon.”
“Sige, Cari. Mamaya nalang kami mamalengke. Pakilista na lang Samuel kung ano pa ang kulang diyan sa kusina ah!”
Si Samuel ay ang cook namin dito. Si Cari naman ay ang madalas tumao sa kaha pagwala ako at ang pinaka manager nila dito. Kasi may mga ibang maaarteng customer na kaunting kibot ay naghahanap na ng manager. Kami lang ang tapsihan na merong manager sa hindi ko ring malamang rason. Akala mo naman may kakaiba sa posisyong hinahanap nila eh tiga salo lang naman ng reklamo at sermon ‘yon. Tsk!
“Ate, hindi na daw pala papasok ‘yon bagong trainee kasi natanggap na sa pinapasukang trabaho,” kunot noo kung nilingon si Sally na nagsiserve ng pagkain malapit sa akin.
“Natanggap sa trabaho? Bakit ano bang tingin niya dito hindi trabaho? Porket tapsihan lang ito ay minamaliit nila? Samantalang mas malaki pa ang kita nito sa trabaho nila mga bwiset sila!”
Hindi ko mapigilang mapataas ang kilay sa narinig. Lalo na at madalas itong mangyari kapag mga bata pa ang mga nagiging tauhan namin. Hindi ko alam kung dahil naglalaro sila o sadyang ganito kababa ang tingin nila sa trabahong ito kaya hindi nila sineseryoso.
“Hayaan muna te. Tamad din naman ‘yon baka lalo ka lang mastress sa kanya,” pakunswelo naman sa akin ni Sally.
Sino naman kasi ang hindi magagalit matapos marinig ang salitang ‘yon? Nag-aapply siya dito sa tapsihan tapos sasabihin niyang natanggap na siya sa ibang trabaho? Gaga din eh! Wag lang siyang makabalik-balik dito ipapakain ko sa kanya ang mga taba ng baka na nasa kusina hanggang sa atakihin s’ya.
Maghapon akong abala sa tapsihan. Pati ang mga anak ko ay hindi ko na nasundo mabuti nalang at dinaan na ni Kuya Anton ang kapatid ni Xander ang mga bata dito sa pwesto. Kaya habang nagtatrabaho ako at tumutulong magserve at kumuha ng order ay abala din ang dalawang anak ko sa pagkakalat sa maliit kung opisina. Mas madalas kaming magkakasama kesa sa Tatay nila na palaging busy sa trabaho nito dahil sa promotion na hinahabol n’ya.
“Mom... Mom...” nilingon ko ang panganay ko sumisigaw mula sa opisina ko.
“Wait, baby. I’m coming,” sagot ko para tumigil na ito kakatawag sa akin.
Tinapos ko lang ang siniserve ko at saglit na nagpaalam kila Cari dahil maya-maya ay uuwi na rin naman kami. Pagpasok ko ng opisina ko ay naabutan ko si Amora at Ahmed na nakaupo sa isang tabi at titig na titig sa hawak niyang Ipad. Mabilis akong ginapangan ng takot at inilang hakbang ang kinauupuan nila.
At nang makalapit ako ay meron nga itong tinititigan sa hawak n’yang screen. Pero ang kinakatakot ko na baka ako ang makita niya ay nagkakamali ako dahil ang magaling kung asawa ang nandoon sa screen na Ipad na hawak ni Amora. Hindi ito nakatingin sa camera na kumuha ng litratong nasa harap ko. Pero ang nakakatawa pa ay may katabi itong isang napakagandang babae na mukhang mas bata pa ito sa akin. Masaya silang nag-uusap habang nakangiting magkaharap. Ang babae ay nakaangkla sa braso niya na para bang normal na nila itong ginagawa. Dahil ang asawa ko ay hindi mo kakakitaan ng pagkailang o paglayo man lang kahit alam niyang may asawa siya at pamilya.
Habang lumilipas ang minuto ay mas lalong tumitindi ang kaunting kirot sa dibdib ko na nararamdaman ko kanina.
Ang mga ngiti niya sa babaeng ‘yon na matagal ko nang hindi nakikita. Mga ngiting ilang taon na ng huli kung masilayan. Napapaisip tuloy ako kung normal pa ba ako o pati yata ko ay binalutan na ng taba sa mantikang kinain ko.
“Hey, don’t worry about this picture. She’s a friend of your Dad.”
Mahigpit kong niyakap ang kambal dahil pakiramdam ko ay sasabog ako sa galit na nararamdaman ko at maiiyak na lang sa harap ng mga anak ko. Natatakot akong kainin ng galit dahil sa litratong hindi ako kung totoo pero nagsusumigaw na mayt kung anong namamagitan sa kanilang dalawa.
Minsan may mga relasyon na kahit anong ayos mo ay mas lalo lang nagkakalamat habang tumatagal. Mga bagay na hindi natin inaasahan dahil akala natin ang lahat naayos ng simpleng usapan at pag-intindi lang.