Gaya ng napag usapan namin ni Zero, sa rooftop kami kakaing dalawa ngayun at doon kami tatambay. Kanina pagkatapos ng klase ay nag paalam siya sa akin na may kukunin lang sa building nila kaya naman ako ngayun ay nag aayus na sa rooftop para mamaya pag balik ni Zero ay mag kwe-kwentuhan na lamang kami. Nakapag akyat na din ako ng makakain namin ni Zero para mamaya saka kumuha na din ako ng sapin at ilang unan para pag katapos naming kumain ay mahihiga na lamang kami habang nag aantay ng bulalakaw. Nag taka pa nga sila bakit daw pabalik balik ako sa baba at rooftop, sinabi ko nalang na tatambay ako sa rooftop. Napa ngiti ako ng makita ko ang lugar namin mamaya ni Zero, ang ganda. Hiniram ko din kay Rain yung pailaw nya na tinatawag niyang Christmas lights. Habang hinihintay ko si Zero a

