Pagka labas ko sa kwarto ay agad na hinanap ng mata ko si Zero pero wala siya sa labas kaya naman nag lakad ako papuntang gitna dahil baka naruruon siya pero wala din siya don. Nasa library na ba yun? "Moon." Napalingon ako sa likod ko pero walang tao don, may naramdaman ako kumalabit sa balikat ko kaya naman nilingon ko kung sino yun at doon ko nakita si Zero na naka tayo habang naka ngiti. "Tara na?"tanong niya, ngumiti ako at tumango sa kanya, sabay kaming pumasok sa elevator at siya na mismo ang pumindot ng button. "Tabi tayo ah."sabi nya kaya naka ngiti akong tumango tango. "Baka naman daldalin mo ko habang nag tuturo ang teacher natin?"tanong ko kaya natawa siya. "Hindi ah, baka kamo ikaw ang dumaldal sakin."sabi niya kaya natawa ako. "Pag ba umalis na yung teacher, uuwi ka na

