Pabagsak kong ihiniga ang aking katawan sa malambot at mamahaling kama na narito sa aking kwarto. Nakaka pagod ang Training na iyon, sumakit ang mga katawan namin ng dahil sa mga kamukha naming iyon. Hindi ko naman inaasahan na ganon kahirap ang training para sa gaganapin na laro sa susunod na buwan. Sadya namang napaka hirap at napaka delikado ang training. Buti na lamang at simulator lamang ang naganap na training kanina. Ipinikit ko ang mga mata ko at nag relax unti. Kakatapos lang naming kumain, at maya maya ay pupunta kaming lahat sa library dito sa Facility para naman mag aral. Bigla kong binuksan ang mga mata ko ng maalala ko na kaklase pala namin si Zero mamaya, speaking of Zero. Akala ko ay manunuod siya ng training kanina. Buti nalamang at wala siya don kaya hindi niya nakita

