"Moon, Gising na." iminulat ko ang aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Rain. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko ng makita ko na halos lahat sila ay nasa kwarto ko, agad na gumala ang paningin ko sa kanila at hinanap si Zero pero wala ito. " Kanina pa kami katok ng katok sa pinto mo pero hindi ka nag reresponse, akala namin kung napaano ka." Sabi ni Shadow. " Ang sabihin niyo, mga Oa lang kayo." Sabi naman ni Red. "Bumangon ka na Moon, pinapatawag tayo ni Admiral, siguro ay tutulong tayo sa pag aayus ng venue para mamaya." Sabi ni Ice. " Hindi ko talaga alam kung studyante pa ba tayo dito o mga katulong na eh." Singit ni Cloud. "Kami studyante, kayong dalawa ni Hampas lupa mga katulong." Banat ni Red. "Wag mo ko simulan ngayun babae." Sabi ni Cloud at inirapan si Red. "

