Akala ko ay hindi na siya tuluyang mag papakita sa akin, akala ko ay matitiis niya ng hindi ako makita. Pero heto siya, nasa harap ko naka ngiti habang may hawak na rosas. Nakatulog ba ako? Panaginip lamang ba ito? "Akala ko tuluyan mo na akong iiwan." Sabi ko at napatakbo sa kanya saka siya niyakap. Narinig ko ang pag tawa niya habang yakap yakap siya. "Akala ko ay nagalit ka sa akin." Sabi niya kaya tinignan ko siya. "Nag tatampo lang ako dahil bigla mo na lamang akong iniwan, kung kelan kailangan ko ng kakampi ay saka ka nawala." Sabi ko. Muli niya akong niyakap. "Dahil akala ko, pag hindi kita makikita ay mawawala ang nararamdaman ko para sayo." Sabi niya habang yakap ako. "Akala ko din ay makaka buti para sa ating dalawa na layuan kita, ikaw lamang ang iniisip ko sa bawat pag li

