"Malugod kong ipinag mamalaki sa inyo ang ika 125th player ng MLA." Sabi ni Admiral at sabay turo sa amin. Naka ngiti naman si Mr Steler sa amin habang si Mrs Moon naman ay mukhang hindi natutuwa, walang emosyon na mababatid sa kanyang mukha. Sinubukan kong basahin ang isip niya pero wala akong nakuhang kasagutan kung nasaan ang anak niyang si Zero. Naririto kami ngayun sa Building ng mga Steler kung saan ito ang unang beses na nakapasok kami dito, ngayun alam ko na kung bakit bawal ang mga studyante dito sa pagkat ang daming mga mamahalin na bagay na naririto at talaga namang sobrang ganda ng loob nito. Aakalain mong nasa isa kang VIP hotels pag naririto ka. Sa malaking Dining room ng building kami kumakain. Kasama sila Mrs and Mr Steler pati yung Fly. Sobrang ganda niya at aakalain mo

