Kinabukasan ay maaga kaming nagising upang sanayin si Red sa pag gamit ng kanyang armas, maaga kaming nag paalam kanina kila admiral na hihiramin namin ang kanilang oras upang sanayin si Red. Agad naman silang pumayag kanina at sinabi sa amin na mamayang 2 PM ay pupunta kami sa harap ng Moonlight upang salubungin sila Mr and Mrs Steler. Agad naman akong na excite sapagkat makikita ko ang mga magulang ni Zero at may tyansang makikita ko din si Zero mamaya. Sigurado naman ako na sasama si Zero sa amin sa pag sundo sa mga magulang niya. Kaya nasa good mood ako ngayun. "Moon, bakit parang ikaw na ang taong walang problemang hinaharap sa buong mundo kung maka ngiti ka?"tanong ni Star sa akin habang hawak ang sandata niya. "Huh? Hindi ah,maganda lamang ang gising ko."sabi ko at pinunasan an

