Mula sa kalangitan kung saan sakay sakay kami sa helicopter ay tanaw ko ang lawak at laki ng Maze. Sadyang ilang taon ang ginugol sa pag gawa ng maze na ito. Dahan dahang bumaba mula sa kalangitan ang sinasakyan namin, ganon din ang helicopter na sinasakyan ng Castro at Leviticus. Napalingon ako sa mga kasama ko na tahimik lamang, sa totoo lang ay hndi ako sanay na tahimik sila Maas sanay ako na si Star ang nag papasimuno ng ingay. Pero dahil nga sa naganap don sa practice aay parang lumamig ang pakikitungo niya sa akin. Nang makalapag na ang helicopter na sinasakyan namin ay naunang bumaba sila Red. Saktong kami na lamang ni Star ang natitira sa Helicopter kaya naman kinuha ko na ang pagkakataon na makausap siya. "Star." Tawag ko, hindi siya lumingon sa akin. Nakatalikod lamang siya h

