Napangiti ako habang hawak ang kamay ni Zero. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking nuo. "I love you." Bulong niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at saka tumingin sa kanya. "I love you too." Naka ngiti kong sabi, pero dahan dahang nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko ang pag tulo ng dugo mula sa kanyang labi. Napa tingin ako sa kanyang Tyan at nanlaki ang mga mata. Isang spada ang nakatusok mula sa kanyang likoran. Agad na nag uunahang tumulo ang aking luha ng mapa luhod sa harap ko si Zero. "Zero!" Sigaw ko at sinalo ang nanghihina niyang katawan. Napatingin ako sa taong nasa likod ni Zero at halos pag bagsakan ako ng langit at lupa ng makita si Dark na naka tayo don habang naka tingin sa amin. "Zero!" Iminulat ko ang mga mata ko at nap

