Napadaing ako ng maramdaman ko ang sakit ng pagkaka bagsak namin ni Dark mula sa itaas ng puno. Pero agad akong napa tayo ng makita ang halimaw na naka tingin sa amin. Nanlaki ang mga mata ko at tinulungan si Dark na tumayo saka tinuro ang tatakbuan niya. "Takbo na!" Sigaw ko at tumingin sa gawi ng halimaw na papalapit sa amin. Sabay kaming napatakbo at nagkahiwalay para lansihin ang halimaw. Binilisan ko pa ang pag takbo ko ng makita na ako ang hinahabol ng halimaw. Madilim at tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nag sisilbing gabay ko. Kung minamalas ka nga naman, isang halimaw ang hunahabol sa akin. At ang tanging kapangyarihan ko lamang ay mag basa ng isip. Ano ang magagawa nito sa halimaw na gusto akong patayin? Lumiko ako sa kanan ng may makita akong daan, napa tingin ako sa

