"Ayun sila." Sabi ni Star at tinuro ang isang puno. Agad akong naka ramdam ng galit ng makita ko si Rain na naka sabit sa puno habang walang malay, sa ibaba niya ay si Ice na duguan at wala ding malay. "Tangina, anong ginawa nila sa kanila?"galit na tanong ni Red. Nag tatago kami sa malaking d**o habang naka tingin sa isang malaking puno kung saan naka sabit ang dalawa. Walang nag babantay, kaya kataka taka. "Hindi tayo pwedeng sumugod agad."sabi ko kaya tumingin sa akin si Shadow. "Anong plano?"tanong niya, tumingin ako sa paligid at talagang walang bantay, kataka taka ang tahimik na paligid. Hindi basta basta iiwan ng mga Castro ang bihag nila maliban nalang kung may plano sila. "Siguro akong may plano ang mga Castro kaya wala silang bantay."sabi ko. Saka sinuri ang paligid. "Maaa

