Napatigil kami sa pag lalakad ng makaramdam kami ng pagod, kanina pa kami nag lalakad para hanapin sila Ice at Rain. Napa angat ako ng tingin, pitong oras na lamang ay mag papalit na naman ang tema ng laro. Kailangan namin mahanap sila Ice at Rain dahil delekado ang tema ngayun para sa kanila, maaring makita sila ng ibang grupo ng paaralan at pag tulungan. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa mga kasama ko, gaya ko ay pagod na din sila sa paglalakad, halos tatlong oras kami nag lakad para lang hanapin sila Rain at Ice. Ngunit hindi namin sila mahanap, hindi kami pwedeng mag hiwa-hiwalay sapagkat maaring makita kami ng ibang grupo. "Ano kaya kung utusan mo ang mga ulap mo para hanapin sila Rain?"Tanong ni Star kay Cloud kaya napa tingin kami kay Cloud na naka tingin sa amin. "Hi

