Madilim na, sa isang maliit na kuweba lamang kami nanuluyan ngayun dahil ito ang aming nakita, mabuti na lamang at wala itong halimaw at hindi sumasabog. Tanging ang apoy ang nag sisilbing ilaw namin, huminga ako ng malalim at tumingin kay Shadow na nag iihaw ng marshmallow. "Sya ang imposter sa atin." Muli kong naalala ang sinabi ni Dark. Paano nalaman ni Dark na si Shadow ang imposter? Kung sakaling totoo na si Shadow ang imposter sa amin, nag aalala ako para kay Dark. Maaaring papatayin ni Shadow si Dark at-- "Tama na kakaisip saken." Napatingin ako sa nag salita, si Dark. Natawa siya at siniko ako. "Hindi naman ako na inform na iniisip mo ako."sabi niya kaya napa irap ako. Napa tingin ako kay Shadow na nag pupulot ng kahoy. "Paano mo nalaman na siya ang imposter?"tanong ko, nag

