"Siguro kung hindi kami dumating ay baka nadala ka na non sa Dream land at nakulong sa patibong niya." Sabi ni Dark na katabi ko. "I mean si Shadow ang nag ligtas sayo pero nandon din kaya ako, nanunuod nga lang." Dagdag niya. Napa iling na lamang ako. Kanina pa kami nag lalakad, nag hahanap kami ng lugar kung saan ligtas kaming mag papalipas ng gabi. Habang nag lalakad kami ay nag sasalita si Dark, bagay na natatawa ako dahil halatang naririndi na si Shadow. Nangunguna sa pag lalakad namin si Shadow, hindi sila mag kasundo ni Dark at sa tuwing nababanggit ni Dark ang pangalan ni Shadow ay naiirita ito. "Alam mo, payong kaibigan lamang ano Moon. Try mo kaya itali yang buhok mo? Hindi ka ba naiinitan jan?"tanong sa akin ni Dark, natawa ako at siniko siya. "Tumigil ka na. Naiirita na

