ALICIA “So, balita ko nagkasama raw kayo ni Totoy noong nakaraang sabado?” Napalingon ako kay Cleo nang magsalita siya. Siguradong nagsabi na naman ang mga bata sa kaniya pero martes niya na nalaman. Close na rin kasi ang mga tao roon sa kaniya kaya minsan ay may nasasagap itong balita. Hindi ko lang alam na malakas pala ang radar nito. Sabagay, noon pa man siya ang kuhanan namin ng balita ni Princes. Syempre rin, pangalawa si Princess at ako ang dakilang walang alam. “Yeah. I never expect na pupunta siya ng bahay. Kaya ayon, ginawa ko siyang driver. Edi, nakalibre pa ako,” kibitbalikat kong sabi. Pero alam kong hindi naniniwala si Cleo lalo na ang mga titig nito. “Really? As far as I know, kahit sino sa manliligaw mo noon, wala kang pinayagan na sumama sa iyo sa orphanage.” Mapanur

