ALICIA “Hindi na ata nawawalan ng bulaklak ang mesa mo, a.” Napalingon ako kay Cleo nang bigla na lang siyang magsalita sa tabi ko. Kinuha niya ang bulaklak at inamoy-amoy ito. “In fairness, fresh naman ang bulaklak at walang gamot na nilagay.” “Yeah. Kaya nagustuhan ko na rin,” sabi ko habang inaayos ang gamit sa mesa ko. Ang gulo na kasi kaya itatapon ko na ang dapat itapon saka tatanggalin ang alikabok. “Sino kayang totoy ang gumagastos para mabilhan ka nito? O baka naman nagtatanim talaga siya para ibigay sa iyo.” Napaisip din ako sa sinabi niya. Kahit hanggang ngayon ay wala pa rin akong clue maliban sa cross na may halo sa itaas. “No idea. Pero ayon, patuloy pa rin siya. Kahit nag-announce na ako sa buong klase na itigil na, patuloy pa rin ang pagdating nito.” I sigh. “Baka h

