ALICIA Ang tahimik ng gabi at ang lamig ng ihip ng hangin. Mabuti na lang at naka-longsleeve ako ngayon kundi baka nanigas na ako sa lamig kahit sabihing sanay na ako dahil aircon palagi ang silid ko. Naupo lang ako rito sa tahimik na parke. May mga seesaw, swing, slide, at iba pang laruang pambata. Medyo malaki naman ang swing kaya naupo ako rito at napasandal sa bakal na tali nito. Nagsisi ako bakit ako sumama kay Cleo pero wala akong magagawa dahil tapos na. Mas nakaramdam lang ako ng gutom at pagod. Sana pinahinga ko na lang ito kanina kung puwede lang. Napapaisip na rin ako na dapat na bang mag-asawa na ako dahil sa edad ko. Pero sa huli, nanaig pa rin ang gusto ng puso ko. Kahit mag-asawa man ako tapos wala naman sa loob ko, wala ring saysay. I sigh and calm myself. Napating

