ALICIA Ilang araw lang ang itinagal ng lagnat ko at nakabalik ulit ako sa pagtuturo. Inaway pa nga ako ni Cleo noong malaman niyang nagkasakit ako dahil hindi man lang daw ako tumawag sa kaniya. After nito, balik routine na naman ako. Kasama na rito ang mga bulaklak na iniiwan sa mesa ko. Balik din ako sa pagtuturo ng iba, na talaga namang dumagdag pa. Sina Travis ay ganoon pa rin at mas naging sunod-sunod dahil sa papalapit na final exam. Kailangan nilang mag-advance dahil ang ibang lesson minsan ay hindi na tinatalakay ng guro dahil hindi na abot ng oras. Ngayon ay bagong umaga na naman. Masaya akong pumasok at si Cleo agad ang una kong nakita. “Good morning!” bati ko sa kaniya. “Good morning, too.” Tiningnan ako nito na may patagilid pa ang ulo. “Blooming na naman tayo, a!” pu

