ALICIA Nakaramdam ako ng panlalamig kaya agad akong namaluktot. Hindi ko alam kung anong oras na pero kumukulo na ang tiyan ko. Palagay ko rin ay mas lumala pa ang nararamdaman ko. Kung kanina ay ulo ko lang ang masakit, ngayon ay pati ang ibang parte ng katawan ko ay ganoon na rin. Minsan lang ako magkasakit at kapag nangyari ay halos abutin ng isang linggo kung hindi agad maagapan. Wala talagang epekto sa akin ang gamot sa totoo lang. Pero kahit ganoon, sinusubukan ko pa rin lalo na't ayaw kong makaabala ng ibang tao. Magugutom na ako pero ang bigat ng katawan ko. Giniginaw rin ako dahil nakabukas ang bintana pero hindi ko maisarado. “Arg!” I groan. Biglang sumakit ang katawan ko nang sinubukan kong gumalaw ng kaunti. Hindi rin ako makatawag ng tulong dahil hindi ko maibuka ang a

