ALICIA Sumunod pa ang mga araw, sunod-sunod din ang natanggap kong bulaklak. Ginagawa ko sa mga bulaklak para hindi ito agad masira ay flower pressing. Dahil iba-ibang kulay minsan at iba-ibang klase, maganda tuloy tingnan. Kapag marami na ito, balak kong ilagay sa picture frame na malaki at ilagay sa sala. Siguradong maganda ito dahil maraming klaseng bulaklak. Sabado ng umaga, maaga akong pumasok pero natigil ako sa paglabas ko ng bahay. Nagtataka pero masaya akong napatingin sa taong nakaabang sa labas. Nakasandal ito sa kaniyang kotse na kulay asul, bago na naman ata, habang ang kaniyang kamay ay nakapaloob sa harapang bulsa ng kaniyang pantalon. Ang gwapo at sexy nito tingnan sa puting t-shirt at itim na slim jeans. Ang simple pero dalang-dala ni Travis. May isa rin akong napan

