ALICIA Ang gaan ng loob ko nang magising ako, kaya hindi mapuknat ang ngiti sa aking labi. Kahit ano ang gawin ko ay may ngiti sa labi ko. Mabilis kong natapos ang gagawin ko sa umaga. Natapos ako nang maaga kaya wala pa si Kuya Joey. Naupo na lang ako sa upuan para hintayin siya. Hindi nagtagal ay dumating din naman siya na nakakunot ang noo pero mamaya ay abot tainga itong ngumiti sa akin. Mukhang sinuri niya ako kanina dahil sa lawak ng ngiti ko. “Good morning, Ma’am!” Kinuha nito ang mga gamit ko at tinulungan na rin niya akong mag-lock ng gate. “Good morning, Kuya! Kumusta po kayo?” “Ayos naman, Ma’am. Kayo po mukhang blooming, Ma’am. Siguradong maganda ang holiday ninyo.” Napangiti ako sa kaniya bago sumakay na sa traysikel. “Yeah. Pumunta po ako sa orphanage at nakausap

