"Pre! Ang small world! Kilala mo pala ang misis ko?" Reagan dropped the words like a bomb and I swear, sana lamunin ako ng lupa ng mga oras na yon. Peter's eyes threw daggers at me as he talked to his friend. "Kelan pa kayo kinasal?" There's a tone of amusement and a hint of anger in his voice when he unloaded the tray. "Hindi ba, ganun naman talaga pag nakikita mo ang future mo sa kanya?" Reagan smirked. "Kain tayo ng spaghetti, dada Rei!" Olga said to him cheerily. Hawak pa nya ang fries sa kaliwang kamay habang tinidor naman sa kabila. Lumingon si Reagan sa kanya at sinabi, "See? Even the kids love me." Binalik nya ang tingin sa anak ko at sinagot sya. "Sige lang, baby Ga. Busog pa si Dada Rei." "Namiss po kita, Dada Rei!" Biglang bati ni Oliver na kanina ay nakaupo lang at kumak

