Lumipas pa ang ilang buwan at habang tumatagal, napapansin ko na hindi lang sa mga bata ang atensyon ni Peter. Naging kaibigan nya na din ang ilan sa mga kaibigan ko katulad ni Giselle at Odessa. Ganon pa din ang trato ni Peter sa mga kaibigan ko sa opisina na sina Toniboy. Yung usual na tanguan at batian. Marahil, takot din sya sa akin na hindi pakita sa kanya ang mga anak namin. Dagdag pa dito, kada punta nya sa bahay, hindi din nawawala ang mga pabulaklak at kung ano anong maisipan na regalo para sa akin. Gusto kong isipin na nagpapahiwatig sya pero ayoko mag-assume. Oo na lang ako kasi ayoko din naman sya o baka ako ang mapahiya. Hihintayin ko na lang na magsabi sya sa akin ng pormal. Pero, aaminin ko, kinikilig din ako. Halos nakalimutan ko na si Reagan na unang nagpahiwatig

