Tulala ako kinabukasan ng magising ako sa kwarto. Nakiramdam muna ako kung gising na ang kambal at ng walang ingay akong narinig, pumikit ako ule at pinilit ang sarili na kumalma. Hindi pa din nawawala sa isip ko ang mga sinabi ni Peter tungkol sa pagiging ama nya sa mga anak ko at kung paano nya nakumpirma ang tungkol dito. Naupo ako sa kama at tinignan ang orasan. Alas sais pa lang ng umaga at hindi ako mapakali. Magkahalong kilig, tuwa at takot ang nararamdaman ko ng malaman ko ang mga yon. Kinikilig? Kasi unang kita ko pa lang sa kanya sa eroplano, nagustuhan ko na sya. Tuwa? Dahil sya ang ama ng kambal. Takot. Dahil hindi maiiwasan na baka kunin nya sa akin ang mga bata. Napabuntong hininga na lang ako at tuluyan ng bumangon sa kama. Dumiretso ako sa banyo at nagsipilyo bago

