Ano ba Andy nakakahiya ibaba mo ako. Bwesit ka talaga Andy Lim, gusto mo talagang masaktan huh balingag ka. Kahit anong palo ang ginawa ko ayaw talaga akong ibaba ng hinayupak. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil nakuha na namin ang kanilang attention. “Arayyyyyy salbahe ka talaga, hindi mo na ako ginalang,”Sigaw ko dahil ibinalibag niya ako sa front seat. “Tumahimik ka Gov. at huwag mong subukan na bumaba kung ayaw mong magkaroon tayo ng intimate scene dito,”sabi niya habang ikinabit ang aking seatbelt. Antipatiko ka talaga Andy Lim, nakakainis ka. Umikot na siya sa driver seat at pinaandar ang ignition ng sasakyan. Walang imik at tiim bagang na binaybay ang daan. Ewan ko kung saan kami pupunta dahil hindi ko naman kabisado ang daan dito sa kamaynilaan. Ganyan pala hitsura niya k

