first date
“Sanjela nariyan na naman ang pogi at mayaman mong manliligaw.”
Sabay nguso ng aking kaibigan na si Annaliza sa nakatayong lalaki sa gilid ng kanyang sasakyan. Nakakahiya talaga dahil kilala ang lalaking ito sa buong university na pinapasukan ko bilang nursing student.
Anak siya ni Governor Ricardo Santos ang mayamang politiko na may hawak ng buong balwarte ng Zamboanga del Sur. Dating Heneral ng 23rd Ready Reserve Infantry Division. Mabangis at walang kinatatakutan na kumokontrola sa buong balwarte na kanyang kinasasakupan. Walang takot na pinupuksa ang mga drugs syndicate at mga kawatan.
Pero bali-balita din na sapilitang bumibili ng mga lupain na kanyang nagugustuhan. Kapag ang lupain mo ang kanyang napupusuhan wala kanang magagawa kundi ang ibigay ito sa kanya sa halagang ibabayad niya. Hindi ka pweding mag-demand ng rate o kumuntra sa presyo niya.
Balita lang naman ang naririnig ko mula sa mga marites. Hindi ko alam kung sinisiraan lang nila ang gobernador para masira ang imahe nito.
“Hi baby!” Humalik pa siya sa nuo ko sabay abot sa'kin ng bulaklak na kanyang dala. Napalalim ang imahinasyon ko kaya hindi ko nalamayan na nakalapit na pala siya sa kinatatayuan namin ni Sarah. Ang babae naman ang halos mangisay-ngisay sa kilig.
O-oh h-hello! Nag-abala ka pa, salamat. Nahihiya kong sagot at pasalamat sa kanya.
“You're so cute! when you're blushing langga.” Liza just join us I will dropped you in your house too.
“Naku Sir Richmond hindi na kailangan. Ang kaibigan ko nalang ang isabay mo para tuluyan namang mabawasan ang kainosentihan niyan. Puro aral lang inaatupag niyan at takot magka-lovelife.”
Pinagsasabi mo?...siniko ko ang aking madaldal na kaibigan.
“Dont call me sir Liza just call me Richmond or Axel. Let's go baby, ihahatid na kita.”
“Go Sanje ajaaaa!!!!!”....nag-cheer pa ang bruha.
Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan. Na parang nag-papakiramdaman muna kung sino ang unang magbubukas ng topic.
“Hmmm San-Axe!”......natigilan kaming pareho ng magkapanabay kami sa pagbigkas ng aming pangalan.
Ikaw na ang mauna, nahihiya kong sabi.
“No, ladies first kaya ikaw na muna ang mauna.”
Huwag mo na akong sunduin sa university. Ang mga kaklase at schoolmates ko kasi nagagalit na sila sa akin. Graduating student na ako, ayoko lang sinasabihan nila ako na kumakapit sa anak ng politiko o binabayaran mo ang school para maging Suma c*m Laude ako.
“What the hell are you talking about Sanjela Valdez? What do I care about your classmates and schoolmates? Why should I bother them if I didn't like them? This is my life and I can do whatever I want. I love you and that's all I know.”
Napatulala akong nakatitig sa kanyang galit na mukha. Seryoso ba talaga siya? Hindi kami kasing yaman nila. May mga lupain naman ang papa ko na sagana sa niyogan at prutas. Ang ibang parte ay sakahan, palayan at pastol ng mga hayop. Pero hindi parin yon naka-kalahati sa kabuoan ng kanilang mga kayamanan.
“Why do you have to think other people? Ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko. Ako ang magdidisisyon sa buhay ko. At nasa sa'yo na din yan Sanjela kung gugustuhin mo ba ako o tatanggapin mo ba ako dyan sa puso mo.
Why don't we try? I will ask you a question. Do you love me or you still want to know me before you love me? Sanje, hindi pa ba sapat sa'yo ang ipinakita ko? Ilang buwan na rin kitang sinusuyo pero wala parin akong nakuhang sagot mula sa'yo. May pag-asa ba ako sa'yo?”
Ihinto mo nalang itong sasakyan malapit sa gate namin. Maraming salamat sa paghatid mo sa akin Axel. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo. Hinalikan ko siya sa kanyang labi bago ako bumaba. Nakita kong natulala siya sa aking ginawa kaya dali-dali akong bumaba ng kanyang sasakyan.
Bago ko buksan ang seradura ng aming gate tinawag pa niya ako.
“Sanje, what does that mean?”
Good night Axel, mag-iingat ka sa pagmaneho mo.
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng aming bahay. Nakangiti pa ako sa aking ginawa, habang nakasandal sa pintuan. Nakakahiya pala na ako ang unang gumawa ng hakbang.
Naisipan ko na rin kasi na bigyan siya ng pagkakataon. Halos mag-pitong buwan na niya akong sinusuyo. Nakikita ko naman na sincere siya. Mayaman siya may hitsura dahil kastila ang mga ninuno ni Axel. Maraming naghahabol sa kanya pero pinagtyatyagaan parin niya ako. Araw-araw na may mga bulaklak at chocolates. Minsan na rin niyang kinakausap ang mga magulang ko.
Binalaan ako nina papa at mama na huwag magpadalos-dalos sa aking desisyon. Dahil mayaman at makapangyarihan ang kanilang pamilya. Isa pa natatakot si mama sa mga haka-haka tungkol sa pag-uugali ni Governor Ricardo Santos.
Axel calling....
Sasagutin ko ba ang tawag niya? Ginoo ko, nakakahiya.
May voice at sms message siyang pinadala. “Sanje, answer my call please.”
Axel calling.....
H-hello...“ thanks God at sinagot mo ang tawag ko. Nasa bahay na ako langga.”
Okay goodnight, matutulog na ako ng maaga dahil maaga pa akong gigising bukas.
“Wait sandali lang Sanje, ano ang ibig sabihin nung kanina?”
Ah w-wala, sige matulog kana.
“Humanda ka sa akin bukas sweetheart.”
Oh my goodness, kinakabahan ako sa aking ginawa. Paano ba kasi sagutin ang isang manliligaw? I admit mahal ko si Axel. Palagi na niyang ginugulo ang sestima ko. Bahala na nga.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil may practical kami ngayon sa university. Ma, aalis na ako sa canteen nalang ako mag-aalmusal baka kasi ma-late ako.
“Sige ikaw ang bahala pero huwag kang magpapagutom anak.”
Opo!
Paglabas ko ng gate nagulat pa ako sa aking nabungaran. Fresh at mukhang naligo ng perfume.
Bakit ang aga mo naman?
“Syempre inagahan ko kasi first day kong ihatid ang girlfriend ko.”
Namula na siguro ang mukha ko dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng tainga at pisngi ko.
Pinagbuksan pa niya ako ng pinto saka siya umikot sa driver seat. Ang sweet niya, mas lalong nakaka-inlove.
Bago niya pinaandar ang kotse lumingon muna siya sa akin.
“Sweetheart lunapit ka nga ng konti dito.”
Bakit?
Dali na...pagkalapit ko ay agad niya hinawakan ang batok ko at hinalikan sa labi. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya naitulak ko siya at lumingon sa paligid.
“What?”
What what ka dyan, paano kapag may nakakakitang marites sa atin na naghalikan tayo.
So?
Tara na nga, ang kulit mo naman eh....tinawanan lang niya ako pagkatapos ay pinaandar na ang kotse.
Bigla na naman niyang hininto ang kotse sa lugar kung saan walang kabahayan.
Bakit ka huminto? Male-late na ako sa practical ko.
“Walang marites dito palangga, just give me a few minutes.”
Kinalas niya ang kanyang seatbelt at lumapit ng kunti sa inuupuan ko. Booommm hinalikan niya ulit ako, pero hindi ako tumugon dahil hindi ko alam kung paano gumanti ng halik.
“Sabayan mo ako Sanje, gayahin mo ang galaw ng mga labi ko. Napaungol ako ng ang isa niyang kamay ay pumasok sa loob ng aking uniform. Kahit nakakahiya ay sinubukan kong gayahin ang paghalik niya.
Hingal na hingal kaming pareho pagkatapos ng aming halikan.
“Fast learner sweetie, I love you Sanje. Your blushing sweetheart, gusto mo pa ba?”
Nahampas ko ang kanyang braso sa kanyang sinabi. Luko ka, male-late na po ako sabi eh. Tumawa naman siya ng malutong at muling pinaandar ang kotse.
“Anong oras ka matatapos?
Susunduin kita mamaya first date tayo.”
Text nalang kita kapag matatapos na kami.
“Okay don't forget, I'll wait your SMS then.”
Sige mag-iingat ka.
“Ooopppsss! You forget something sweetie.”
Tiningnan ko ang mga gamit ko, bitbit ko naman ang lahat kaya tumingin ako sa kanya.
“You forget my kiss!”
Sira, akala ko kung ano na ang nakalimutan ko. Nakakahiya baka may makakita.
“So, ikinakahiya mo pala ako.”
H-hindi naman sa ganun ayoko lang na ma-issue.
“I don't care about them, I just want your kiss sweetie.”
Napabuntong hininga ako sa kakulitan ni Axel. Kaya tumagilid ako para abutin ang kanyang pisngi. Pero ang kurimaw sinadyang lumingon para sa lips niya dumapo ang halik ko. Pilyo pang ngumiti sabay kindat.
“I love you Sanje!”
I love you too Axel....
“Oy dai ano ba yung nakita ko huh? Kayo na ba ni Mr. Gwapito? May pa chuchu pa kayong nalalaman huh.”
Sira ka talaga Annaliza Guba. At Oo beshie kami na, total graduating na ako at mukhang sincere naman siya sa panunuyo niya.
“Kung sa bagay nakita ko rin naman ang pagiging sinsero niya sa'yo. I'm happy for you beshh, mag-iingat ka lang dahil mukhang strict si Gov.”
Hindi naman si Gov ang jinojowa ko besh. Ang anak niya ang jowa ko kaya easy ka lang.
“Tanga pinapaalalahanan lang kita. Alam mo naman minsan sa mga drama at novela kontrabida ang mga parents lalo na kapag may power na hawak,”my friend said.
Ako rin naman ah may power na hawak.
Kili-kili power nga lang.
“Sira ka talaga babae ka. Nga pala huling thesis na natin next week kaya dapat galingan natin. Ay ako lang pala dahil ikaw inspired na kaya malamang perfect na score mo.