Just A Kid With A Big DreamUpdated at Jun 30, 2026, 07:25
Isang simpling bata noon na iniidolo ang kanyang ama sa larangan ng larong basketball. Matangkad katulad ng kanyang ama na ideal maging basketball player. Nag-umpisang mangarap na sanay balang araw siya ay maging tanyag na manlalaro. Bilang pangalawang anak nina Mr. Rene Baterbonia Sr. at Mrs. Rovelyn Baterbonia nangarap siya na balang araw siya ay makatulong sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay isang tricycle driver at ang kanyang ina naman ay isang fish vendor. Simpling pangkabuhayan na marangal na nakatulong upang itaguyod ang pitong anak.Dahil sa kahirapan sa buhay nais niyang maiahon ang kanyang mga magulang at mabigyan ng magandang buhay. Matulungan na paaralin ang mga kapatid, at mabawasan ang bigat ng responsibilidad ng kanyang mga magulang.Rene Clert "bobet" Baterbonia grew up in a large family from Talacogon, Agusan del Sur, with one older brother, three younger brothers, and two younger sisters. In a unique family tradition, all seven of the children were given names that begin with the letter "R". Rubeyan the eldest sibling, then Rene Clert, Rhenz the third sibling. He also currently played basketball in their place and also in his school.Rovelyn and Roselyn his sister's, Rodney and Ronnie his younger siblings.Lumaking may takot sa diyos at may paggalang sa kapwa. Ginagabayan ng maayos ng magulang kaya may malaking respito sa kanyang ama at ina. At pati na rin sa mga kamag-anak at kapitbahay. Inosente, medyo tahimik ngunit masayahin kapag ito'y iyong nakilala ng lubosan.Nagkaroon ng mga mabubuting kaibigan na hindi tinitingnan ang kanyang estado sa buhay. Mga kaibigan na nagpapatunay na hindi lang ang dugo ang basihan ng pagiging magkapatid.His dorm mate, best friend Juddah Mascariñas ang makapagpatunay sa kabaitan ng isang Rene Clert Baterbonia. Na si Rene ay isang kaibigan na hindi ikinahiya ang kahirapan para magsumikap upang mapagtagumpayan na makamit ang kanyang pangarap.Sa husay ng kanyang pakikipaglaro, sa liksi ng kanyang mga galaw sa basketball court. May mga matang nag-aapoy sa selos, maitim na usok na lumalabas sa kanilang bunbonan dahil ang isang MVP ng DAVRAA hindi nila kayang lamangan.A pride of Mindanao na unti-unting umaakyat paisa-isang hakbang sa hagdan upang maabot ang kanyang pangarap. Rene Clert "bobet" Baterbonia simpling manlalaro na pilit hinihila pababa para hindi makarating sa tugatog ng kanyang tagumpay. Isang binatang inaalipusta ng mga mayayaman na teammates ng Luzon. Mga taong hindi masaya na malamangan ng agila ng Mindanao.Hindi lang ang buhay ni Rene Baterbonia ang kanilang kinuha. Kasama ang inspiring player ng Nigeria na si Divine Adili. Na katulad ni Rene ay nakikipagsapalaran sa Manila upang makilala at makatulong sa kanyang pamilya.Dalawang manlalaro na iisa ang pangarap. Dalawang manlalaro na parehong nagsumikap para sa kanilang pamilya. Ngunit biglang naglaho dahil sa kasakiman ng mga kasamahan.Jealousy is one of the quickest ways to derail a shared goal. When insecurity, comparison, or possessiveness replace mutual support, a partnership whether a sports, venture, teammates, friendships can cause fractures. The focus shifts from achieving the goal to tearing each other down. If jealousy is currently affecting a sportsmanship in the players life, it is crucial to address the root causes before irreversible damage is done.Ang mga taong walang puso na nag-udyok sa dalawang manlalaro upang sila'y itulak at tangayin ng alon ng kapahamakan. Sila ang mga taong naging masamang hangin na umihip at mawala ang ilaw ng buhay ni MVP Rene Clert "bobet" Baterbonia at ng Nigerian player na si Divine Adili.Nasaan ang hustisya? Nasaan ang salitang sports lang? Sino ang mapagkatiwalaan? Sino ang tunay na kakampi sa loob ng basketball court? Sino ang may tunay na ngiti at malasakit? Sino ang nakasuot ng maskara upang linlangin ang dalawang inosenteng buhay sa araw na yon?Sabay nating subaybayan ang kwento ng simpling manlalaro na lumalaban ng patas para iahon ang kanyang pamilya.Once Marc Pingris said; “Balang araw, makakain din ako ng masarap."Then, Rene Baterbonia said; “Magsusumikap ako para maiahon ang aking pamilya sa kahirapan.”Different situation, the same gold at ito ay ang pagsusumikap nila para magkaroon ng magandang buhay.We lost The Most Valuable Person, the Philippines lost his own hero. Nawala ang bituin ng Mindanao, ang bituin na sana ay isa sa maging ambag para umangat o kuminang ang Pilipinas upang makilala sa buong mundo.Mga gahaman sa position, mga mapang-aping tao na pilit ibinaba ang isang mahirap na nagsusumikap.Sigaw ng mga Filipino ay hustisya, ang hustisya na makakamit ni Rene Baterbonia ay siyang hustisya din Divine Adili. Mahigit eighty percent na population ng Pilipinas ay kasama ng pamilya ni Rene na nagdadalamhati. Nagdasal ng kapayapaan sa yumaong baskibolista.Sa huling hantungan isang ina ang labis na nasaktan. Sigaw ay hustisya para sa kanyang anak. “Salamat sa lahat anak ko! Huwag mo silang patulogin.”