dinampot
Ate Liz puntahan mo ako sa address na ito. Gabi na po natatakot po akong lumabas sa bahay ng kaibigan ko. Ayoko ko po na matulog dito sa bahay nila dahil magagalit si daddy.
Isang mensahe ang bumungad kay Lizette. Kakatapos lang ng kanyang night routine at matutulog na sana siya. Alas dose y singko na nang makita niya ang mensahe ni Crista.
Wala ang mga magulang nila dahil nasa business trip ang mga ito. Hindi naman nagpaalam si Crista na pupunta pala ito sa bahay ng kaibigan niya. Nasa Malate ang address na ibinigay ni Crista.
Napapaisip si Lizette kung paano nagpunta ng Malate na walang paalam si Crista. May sariling driver ito na taga hatid at sundo. Nasa bahay ang sasakyan kaya ang akala niya nasa bahay lang ang kanyang kapatid. Sa ganitong oras tulog na ang driver kaya nakakahiya na isturbuhin. Naisip ni Lizette na bukas ng umaga nalang niya kakausapin ang driver ng kapatid.
Walang pag-alinlangan na kinuha niya ang susi ng kanyang kotse para sunduin ito sa Malate. Mahaba-haba pa ang kanyang byahe dahil nasa Pasay City sila nakatira. "Sana walang traffic sa daan lalo na at Friday ngayon "anas ng isip ni Lizette.
"Ma'am saan ka pupunta gabing-gabi na ah,"tanong ng guard na si Nelson.
"Pakibuksan ng gate manong Nelson. Nag-chat si Crista, nagpapasundo po nandoon sa bahay ng kaklase niya."sagot ni Lizette.
"Naku madaling araw na bakit ngayon pa lang niya naisipan na mag-chat sa'yo. Malalagot ako nito sa daddy mo ma'am kapag may masamang mangyayari sa'yo."nag-aalalang sabi ng guard.
"Huwag po kayong mag-alala manong mag-iingat po ako. Baka kapag hindi ko sinundo si Crista baka may masamang mangyari sa kanya doon. Mas lalong lagot tayo kay daddy dahil pinabayaan natin siya. Matulog na po kayo pag-alis ko dahil baka abutin pa ako ng dalawang oras bago makauwi. Huwag po kayong mag-alala manong mag-iingat po ako sa pagmamaneho."saad ni Lizette.
Nagpapatugtog ng musika si Lizette para hindi siya mababagot sa pagmamaneho. Sinasabayan niya ang mga kanta at may tuno naman siya. Kaya niyang bumirit gamit ang C5 notes. Ginagamit niya ang musika habang nag-aaral o pagre-review. Ito ang paraan niya para hindi marinig ang samo't saring ingay ng kanyang paligid. It's sounds weird when you study and you listen some music.
Ang totoo ayaw niyang marinig ang tunog ng bunganga ng kanyang madrasta. Naririndi siya sa ingay nito araw-gabi kapag nasa bahay. Ang ingay nito at nakaka- distract ng kanyang utak, nasasaktan siya sa mga binibitawan nitong mga salita. The music comfort her soul, give her peace to focus her study.
Minsan na siyang nagsumbong sa kanyang ama pero pinagalitan lang siya. Binilog na ng kanyang madrasta ang kanyang ama at ang palagi nitong pinapaboran ay ang paborito nitong bunsong anak. Si Crista ang anak ng kanyang madrasta at ama. Ang spoiled brat sa campus pero maamong tupa sa loob ng bahay.
Ilang beses na siyang nakatanggap ng parusa sa mga kasalanan na hindi naman niya ginawa. Siya ang legal na anak at si Crista naman ay anak ng kabit na kinakasama na ng kanyang ama.
Nawala ang kanyang tunay na Ina when she was eight years old. Ang sabi ng kanyang mga tita at Tito sumama daw ito sa ibang lalaki. Ang sabi naman ng kanyang lola namatay daw ito sa ibang bansa. Ayon sa kwento nila nagbakasyon sa Singapore ang kanyang ina noon kasama ang mga kaibigan. Naligo daw sa dagat at doon na nawala.
Hindi na alam ni Lizette kung alin ang kanyang paniniwalaan. Hanggang sa nasanay na ang kanyang sarili. May ama nga ngunit wala naman itong pakialam sa kanya. May Tito at Tita ayaw naman sa kanya. May Lolo at Lola pero hindi naman siya ang pinapaburan dahil may iba itong paborito si Crista. Hindi niya alam kung ano ang gayumang taglay ng mga ito at nakuha nila ang loob ng kanyang pamilya.
"Nandito na ako sa lugar na sinabi mo. Saan ka banda?"chat ni Lizette kay Crista.
Naghihintay pa siya ng ilang minuto dahil hindi ito nag-reply. After a few minutes nag-chat ulit siya sa kanyang half-sister.
"Crista nasaan ka na ba?"nag-panic na ang kanyang kalooban. Lumabas siya ng kanyang kotse at sumilip-silip sa bawat bahagi ng lugar na kanyang pinaradahan. Tinawagan niya ang kanyang kapatid ngunit out of coverage ang cellphone nito.
"Panginoon ko sanay walang mangyaring masama kay Crista. Ilayo nyo po siya sa kapahamakan panginoon. Pangako mag-aalay ako sa simbahan sa linggo basta iligtas nyo lang ang kapatid ko."taimtim na dasal ni Lizette sabay agos ng kanyang luha. Marami siyang nakikitang kababaihan sa lugar at alam niya na naghahanap ang mga ito ng customer. Mga babaeng pusang gala, naghahanap ng panandaliang aliw.
Nakailang ulit na siya sa pagtawag pero out of coverage parin.
"Miss dalawang libo sama ka?"biglang saad ng isang lalaki.
Natakot si Lizette sa sinabi ng lalaki at umatras.
"Ano 3k deal? Mukhang fresh ka pa at kailangan pang turuan sa kama."sabi pa ng lalaki at dahan-dahan na lumapit kay Lizette.
"Nagkamali po kayo mama, hindi po ako bayaran. Nagpapasundo lang po ang aking kapatid kaya ako nandito."nahihintakotan na saad ni Lizette.
Ngumiti lang ang lalaki at halatang hindi kombinsido sa palusot ni Lizette.
"Huwag ka ng mag-inarte, alam kong gipit ka at nahihiya ka lang. Sige gawin kong 5k sumama kana sa akin. Hindi kana lugi dahil malinis ako at gwapo pa. Wala akong sakit kaya makakasiguro ka na hindi ka madadapuan ng sakit. Siguro naman ikaw ay malinis din at mag-i-enjoy ako sayo."manyak na saad ng lalaki. May padila-dila pa at nakakalukong tingin.
Mas lalong natakot si Lizette sa kanyang nakita. Kaya umikot siya sa kanyang kotse, pumunta sa kabilang bahagi. Sumunod naman ang lalaki dahil gusto talaga niyang isama ang babaeng natitipuhan niya.
"Lumayo po kayo sa akin manong, hindi po ako puta, hindi bayarang babae para pagkaintrisan ninyo. Sa iba nalang ninyo ibaling iyang kalibugan ninyo. May sinusundo lang ako sa lugar na ito kaya ako nandito."sabi pa ni Lizette.
Ang baliw na lalaki ay mas lalong binilisan ang kanyang hakbang para mahawakan si Lizette.
No choice na si Lizette kaya tumakbo na siya. Mas binilisan pa niya ang kanyang pagtakbo para hindi siya masabutan ng lalaki. Hapong-hapo na nakayuko si Lizette hawak ang kanyang magkabilang tuhod, hinihingal at habol hininga.
May biglang huminto na sasakyan sa tapat ni Lizette pero hindi niya ito pinansin. Nagulat nalang siya ng bigla siyang binuhat na parang saku at inilagay sa loob ng kotse nito.
"Hoy sino ka ba? Bitiwan mo ako, hayop ka! Palabasin mo a---"hindi na natapos ni Lizette ang kanyang nais sabihin dahil mawalan na siya ng malay.
Sino kaya ang kumuha kay Lizette?