bc

Just A Kid With A Big Dream

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
BE
family
goodgirl
sporty
drama
tragedy
bxb
serious
scary
campus
highschool
small town
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Isang simpling bata noon na iniidolo ang kanyang ama sa larangan ng larong basketball. Matangkad katulad ng kanyang ama na ideal maging basketball player. Nag-umpisang mangarap na sanay balang araw siya ay maging tanyag na manlalaro. Bilang pangalawang anak nina Mr. Rene Baterbonia Sr. at Mrs. Rovelyn Baterbonia nangarap siya na balang araw siya ay makatulong sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay isang tricycle driver at ang kanyang ina naman ay isang fish vendor. Simpling pangkabuhayan na marangal na nakatulong upang itaguyod ang pitong anak.Dahil sa kahirapan sa buhay nais niyang maiahon ang kanyang mga magulang at mabigyan ng magandang buhay. Matulungan na paaralin ang mga kapatid, at mabawasan ang bigat ng responsibilidad ng kanyang mga magulang.Rene Clert "bobet" Baterbonia grew up in a large family from Talacogon, Agusan del Sur, with one older brother, three younger brothers, and two younger sisters. In a unique family tradition, all seven of the children were given names that begin with the letter "R". Rubeyan the eldest sibling, then Rene Clert, Rhenz the third sibling. He also currently played basketball in their place and also in his school.Rovelyn and Roselyn his sister's, Rodney and Ronnie his younger siblings.Lumaking may takot sa diyos at may paggalang sa kapwa. Ginagabayan ng maayos ng magulang kaya may malaking respito sa kanyang ama at ina. At pati na rin sa mga kamag-anak at kapitbahay. Inosente, medyo tahimik ngunit masayahin kapag ito'y iyong nakilala ng lubosan.Nagkaroon ng mga mabubuting kaibigan na hindi tinitingnan ang kanyang estado sa buhay. Mga kaibigan na nagpapatunay na hindi lang ang dugo ang basihan ng pagiging magkapatid.His dorm mate, best friend Juddah Mascariñas ang makapagpatunay sa kabaitan ng isang Rene Clert Baterbonia. Na si Rene ay isang kaibigan na hindi ikinahiya ang kahirapan para magsumikap upang mapagtagumpayan na makamit ang kanyang pangarap.Sa husay ng kanyang pakikipaglaro, sa liksi ng kanyang mga galaw sa basketball court. May mga matang nag-aapoy sa selos, maitim na usok na lumalabas sa kanilang bunbonan dahil ang isang MVP ng DAVRAA hindi nila kayang lamangan.A pride of Mindanao na unti-unting umaakyat paisa-isang hakbang sa hagdan upang maabot ang kanyang pangarap. Rene Clert "bobet" Baterbonia simpling manlalaro na pilit hinihila pababa para hindi makarating sa tugatog ng kanyang tagumpay. Isang binatang inaalipusta ng mga mayayaman na teammates ng Luzon. Mga taong hindi masaya na malamangan ng agila ng Mindanao.Hindi lang ang buhay ni Rene Baterbonia ang kanilang kinuha. Kasama ang inspiring player ng Nigeria na si Divine Adili. Na katulad ni Rene ay nakikipagsapalaran sa Manila upang makilala at makatulong sa kanyang pamilya.Dalawang manlalaro na iisa ang pangarap. Dalawang manlalaro na parehong nagsumikap para sa kanilang pamilya. Ngunit biglang naglaho dahil sa kasakiman ng mga kasamahan.Jealousy is one of the quickest ways to derail a shared goal. When insecurity, comparison, or possessiveness replace mutual support, a partnership whether a sports, venture, teammates, friendships can cause fractures. The focus shifts from achieving the goal to tearing each other down. If jealousy is currently affecting a sportsmanship in the players life, it is crucial to address the root causes before irreversible damage is done.Ang mga taong walang puso na nag-udyok sa dalawang manlalaro upang sila'y itulak at tangayin ng alon ng kapahamakan. Sila ang mga taong naging masamang hangin na umihip at mawala ang ilaw ng buhay ni MVP Rene Clert "bobet" Baterbonia at ng Nigerian player na si Divine Adili.Nasaan ang hustisya? Nasaan ang salitang sports lang? Sino ang mapagkatiwalaan? Sino ang tunay na kakampi sa loob ng basketball court? Sino ang may tunay na ngiti at malasakit? Sino ang nakasuot ng maskara upang linlangin ang dalawang inosenteng buhay sa araw na yon?Sabay nating subaybayan ang kwento ng simpling manlalaro na lumalaban ng patas para iahon ang kanyang pamilya.Once Marc Pingris said; “Balang araw, makakain din ako ng masarap."Then, Rene Baterbonia said; “Magsusumikap ako para maiahon ang aking pamilya sa kahirapan.”Different situation, the same gold at ito ay ang pagsusumikap nila para magkaroon ng magandang buhay.We lost The Most Valuable Person, the Philippines lost his own hero. Nawala ang bituin ng Mindanao, ang bituin na sana ay isa sa maging ambag para umangat o kuminang ang Pilipinas upang makilala sa buong mundo.Mga gahaman sa position, mga mapang-aping tao na pilit ibinaba ang isang mahirap na nagsusumikap.Sigaw ng mga Filipino ay hustisya, ang hustisya na makakamit ni Rene Baterbonia ay siyang hustisya din Divine Adili. Mahigit eighty percent na population ng Pilipinas ay kasama ng pamilya ni Rene na nagdadalamhati. Nagdasal ng kapayapaan sa yumaong baskibolista.Sa huling hantungan isang ina ang labis na nasaktan. Sigaw ay hustisya para sa kanyang anak. “Salamat sa lahat anak ko! Huwag mo silang patulogin.”

chap-preview
Free preview
Rene Clert Baterbonia Story 1
Third person pov Isang magaling na manlalaro ng basketball si Rene Baterbonia sa lugar nila ng makilala niya ang asawang si Rovelyn. Fans si Rovelyn noon, isang estudyante na taga-cheer kay Rene kapag may laro ito. Sa kanilang paaralan man o sa barangay ng Talacogon. Naroon sa harapan at nakikipagsabayan sa hiyawan ng mga manunuod. Nakuha ni Rovelyn ang attention ni Rene kaya sa bawat puntos ay sinusulyapan nito ang dalaga. Napapansin din ng mga kaibigan o kasamahan sa laro ang palihim na pagsulyap ni Rene sa dalagang si Rovelyn. Kaya naman tinutukso ng mga kaibigan hanggang sa tuloyan na ngang mahulog ang dalawa sa isa't isa. Nagkamabutihan hanggang sa naging magkasintahan ng ilang taon. Hindi nagtagal napagdesisyonan ng dalawa na bumuo ng sariling pamilya at magpakasal. Parehong nasa payak at simpling pamumuhay lamang kaya ang kanilang kasal ay napaka-simply lang din. Kahil simpling okasyon lang ang kanilang naging handaan. Masaya naman nila itong nairaos kasama ang kanilang bawat pamilya. Ang mga magulang naman ay nagbibigay ng basbas at nanalangin na nawa'y magsama ang bagong mag-asawa ng may kapayapaan. Magmahalan at irespito ang bawat isa, ang bawat desisyon at bawat hakbang ng kanilang tatahaking landas. Maging mabuting modelo sa kanilang mga anak. Maging ulirang magulang na karapat-dapat tularan ng kanyang mga anak. oooOooo Naging masaya ang pagsasama ni Rene at Rovelyn. Ilang buwan ang lumapas matapos silang maikasal biniyayaan sila ng diyos. Ipinagbuntis ni Rovelyn ang kanilang panganay ni Rene. Dahil nahihiyang maging pabigat sa mga magulang ni Rene. Napagdesisyonan ni Rene na magpatayo sila ng sariling bahay upang bumukod. Isang simpling tahanan na gawa sa kahoy, may pader na gawa sa plain particle board o tinawag sa bisaya na lawanit, tabla na sahig at bubong na gawa sa nipa. May sapin na gawa sa dahon ng romblon. May kusinang gamit ay panggatong. Simply man ito ngunit matatawag nilang sa kanila na, sariling tahanan baga. Hindi na sila magiging pabigat at pasanin ng kanilang mga magulang. Kahit nakabukod man sila, naroon parin ang nagbibigayan sila ng pagkain, ulam o kung anu-ano pa. Nakagawian ng mga taga probinsya na magbigayan. Hindi nagdadamot sa kapitbahay o kapwa. Isang kultura ng mga Filipino na hanggang sa kasalukuyan ay namayani parin sa kanilang mga puso. Ang hindi maging madamot sa kapwa, hindi nanlalamang at hindi naiinggit. Si Rene ay nagsasaka, habang ang asawa namang si Rovelyn ay simpling maybahay lamang. Madalas kapag may liga ng basketball sa ibang lugar ay sumasama parin siya. Sabi nga ni Rene sayang ang premyo kapag nanalo ang kuponan nila. Dahil sa kanyang talento palagi silang naimbitahan sa ibang syudad. Mula Agusan, dinadayo pa nila ang Zamboanga City, Cotabato City, Marawi, Davao, Lanao Del Norte at Ozamiz Occidental at Oriental. Hinayaan nalang din ni Rovelyn ang asawa na sumasama sa paglalaro dahil para din naman sa kanila ang perang napapanalunan. oooOooo Mabilis lumipas ang panahon at isinilang ang isang malusog na sanggol na lalaki. Pinangalanan nila itong Rubeyan Baterbonia. Ang unang anak na nagbibigay kaligayahan sa mag-asawang Baterbonia. Kinagigiliwan ng mga Lolo at Lola. “Rene bakit hindi mo ginawang Rene Baterbonia Junior ang iyong panganay mong anak?”tanong ng ina ni Rene. “Ma, may plano ang diyos. Rubeyan ang una naming naisip na ipangalan sa aming panganay kaya iyan na ang aming sinunod. Hayaan mo ma sa susunod ninyong apo, Rene Baterbonia Junior na ang aking ipapangalan sa kanya. Ang suhesyon nyo na naman ang aming susundin.”sagot ni Rene. “Kakapanganak pa lang ng asawa mo Rene. Pangalawang anak mo na naman ang iyong iniisip. Magsumikap ka para mabigyan mo sila ng magandang kinabukasan. Huwag mong igaya sayo na nagbubulakbol sa pag-aaral at puro nalang bola ang nasa kukuti.”pangaral ng ina ni Rene. “Ma, gagawa kami ng manugang mo ng isang kuponan. At alam mo ba kung ilan ang myembro ng isang kuponan sa basketball ma?”tanong ni Rene sa ina. “Ilan ba?”tanong ng ina ni Rene. “Dose o kinse katao ma,”sagot ni Rene. “Kabuang ka dong, kinseng anak ang target mo? Ibig sabihin sa loob labin-limang taon aanakan mo iyang asawa mo? Maghunos-dili ka Rene, purya buyag ng imong bayag,”sabi ng ina ni Rene. Si Rene at Rovelyn naman ay labis na napahalakhak sa reaction ng ina. Naiiling nalang ang ina ni Rene sa kapilyohan ng anak. “Ma, tutuhanin ko talaga ang plano ko. Gagawa ako ng sariling kuponan para ang magiging premyo ay buong pamilya ko ang makikinabang.”hirit pa ni Rene. “Ambot nimo dong, pahihirapan mo ang asawa mo para lang sa premyong gusto mong makuha kahit hindi ka naman sigurado na magaling maglaro ang mga anak mo.”buntong-hiningang saad ng ina ni Rene. “Rovy, tingnan mo si mama walang bilib sa akin. Syempre magaling ako na manlalaro kaya mamanahin ng mga anak ko ang aking talento. Kapag itong si Rubeyan Baterbonia ay nakakapaglakad na pahahawakin ko kaagad ito ng bola ma.”pagmamayabang pa ni Rene. “Naku, naku, naku, lahat ng hangin ng bola ay pumapasok na talaga dyan sa utak mo Rene. Makauwi na nga at ako'y maluluka dyan sa kahanginan mo. Bantayan mong maigi iyang anak mo Rovy, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka. Higopin mo ang sabaw hanggat mainit pa para may gatas na maiinom ang apo ko,”habilin ng ina ni Rene. “Sige po ma! Salamat po,”sagot ni Rovelyn. “Ikaw talaga pinagloloko mo si mama. Pasalamat tayo ay nariyan siya para samahan ako kapag wala ka. Ngayon nga na kakapanganak ko lang nariyan siya at agad akong pinaglutuan ng tinolang manok na may papaya.”sabi ni Rovy. “Dapat lang dahil dumating na ang kanyang pinaka malakas na apo. Si Rubeyan ang unang aakay sa kanilang pagtanda ni papa.”sabi ni Rene. “Totoo ang sinasabi ko kay mama kanina. Pangarap ko rin na maging magaling na manlalaro ang ating mga anak. Pero syempre iibahin ko ang istelo nila. Pag-aaralin ko sila ng mabuti, kasabay ng pagsasanay nila sa larong basketball. Pagsusumikapan ko na makapagtapos sila sa kolehiyo dahil iyon lang ang tanging maipapamana ko sa kanila. Hindi ako galing sa mayaman na pamilya. Hindi rin ako mayaman na ama ngunit mayaman naman ako sa pagmamahal. Mamahalin ko ang mga anak natin Rovy. Aakayin ko sila sa tamang landas, gagabayan ko sila sa bawat hakbang nila. Makikita mo Ruvy balang araw gagawa sila ng kanilang sariling version. Makikilala ang pangalan nila sa buong Pilipinas o pati sa ibang bansa. Sa gabay ng panginoon, sa plano ng panginoon, sa nakatakdang panahon.”seryosong saad ni Rene. “Sana nga ay magdilang anghel ka at ang mga pangarap mo na yan nawa'y matupad. Tapos na akong kumain, pakiligpit na muna itong pinagkainan ko. Kumain ka na rin dyan at magpahinga.”sabi ni Rovelyn sa kanyang asawa...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
753.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.8M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
986.0K
bc

A Warrior's Second Chance

read
363.6K
bc

Not just, the Beta

read
350.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook