Sa mga nagdaan na mga araw linggo at naging buwan na pala. Naging busy na ang buhay ko sa campaign at sa mga outreach mission ng bawat district. Sa aking pag-iikot nakikita ko ang kagandahan ng buong rehiyon nuebe. Lakes, caves, beaches and mountains. Patuloy parin sa pagpapadala si Axel ng mga bulaklak. May mga nakasulat na motivation, sorry, and love quotes. Kahit hindi nila isulat ang kanyang pangalan alam ko naman na siya ang nagpapadala. Ito namang bodyguard kong si Andy Lim ay naging sweet. Minsan pinagluluto ako ng almusal. Katulad ngayon wala ang mag-asawa dahil check up ni Jazz sa Gyne niya. Day off din ang mga kasambahay at nagsisismba pala. Ako naman mamayang hapon na magsisimba. Andy, sa ballroom hall lang ako pagkatapos mong magluto tawagin mo nalang ako. “Yes boss areglado,

