Kinabukasan tinawagan ako ni Rechaine para sa medical certificate. Sinadya niyang sa Quezon City Medical Hospital para makapasyal ako sa bahay nila. Syempre tinawagan ko si Tatay Marcelo para siya ang maghatid sa akin sa Quezon City. Mas maigi na iyong kakilala ko ang driver para safe ako.
Pagkatapos ng aking mga test ay pumunta ako sa chamber kung saan naka OJT si Rechaine. Hinabilin kasi niya kanina na doon ako pumunta kapag tapos na ako. “Tapos kana ba Sanje?”
Oo eh, ikaw ba ay tapos na rin?
“Pakihintay nalang ako dahil tapos na rin ako,”
Nang matapos si Rechaine sabay na kaming naglakad palabas ng hospital pero bago pa man kami tuluyan na makalabas nakasalubong namin ang taong kinamumuhian ko si Axel kasama ang asawa niya. Bitbit niyang pa bridal ang babae, hinimatay siguro dahil buntis.
Nagulat siya ng makita ako na naglalakad patungo sa direksyon niya. He mouthed my name Sanjela. Walang emotion ko siyang tinitingnan at patuloy na naglalakad hanggang sa malagpasan na namin siya ni Rechaine. “Sanjela!” muli niyang bigkas. Nakatingin si Rechaine sa gawi niya, na may pagtataka. Siguro nagtaka siya kung bakit ako kilala ng lalaki.
“Tinawag ang pangalan mo Sanje kakilala mo yata ang mama?” Tara na Rechaine male-late na tayo. Hinila ko na siya dahil nais pa yatang maging marites ang bruha. Pagkapasok sa kotse niya saka lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko parin napipigilan ang aking mga luha. Ang hirap parin tanggapin sa tuwing nakikita ko ang mga eksina. Hiniwa-hiwa ng pinung-pino ang puso ko.
“Sanjela okay ka lang ba?” Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo Sanjela?” nagpapanic na tanong ni Rechaine sa akin. Nakita ko si Axel na humahangos na lumabas mula sa loob ng hospital. Nagpapanic rin ako bigla dahil baka makita niya kami. Rech, bilisan mo na dali, alis na tayo.
“Okay, okay! Relax Sanje let me drive carefully baka mabangga tayo,”
Dahil matalas ang paningin ni Axel nakita niya kaming palabas ng parking. Buong lakas niyang tinawag ang pangalan ko. Pero sinabi ko kay Rechaine nahuwag huminto kahit anong mangyari. Humabol siya ng humabol kaya napahagulhol na ako ng iyaknsa loob ng kotse.
Dahil sa labis kong pag-iyak hindi ko na namalayan kung saan ako dinala ni Rechaine. Huminto siya sa tabi ng dagat.
Bumaba ka muna Sanjela gusto kong marinig ang kwento mo na sanhi ng iyong labis na pighati.
Lumabas ako ng kotse na hilam sa mga luha ang aking mga mata. Wala na akong ibang mapagpipilian kundi ang isalaysay sa kanya ang buong pangyayari. At Kung bakit ako tinutulungan ng kanyang ina.
“Go Ahead!" Bigla niyang sabi na ipinagtataka ko naman.
“Release your sorrows, ilabas mo lahat ng hinanakit mo dyan sa harap ng karagatan,”
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!! Hayop ka, salbahe, isa kang demonyo at walang kwentang tao. Kampon ka ni satanas Richmond Axel Santos. Okay na ako eh tanggap ko ng nilinlang mo ako sa iyong mga kasinungalingan. Pero bakit palaging pinagtagpo ang landas natin? Kailangan ko pa ba talagang lisanin ang Pilipinas bago ako tantananbng iyong demonyong anino.
Kinamumuhian kita Axel, sagad sa buto ang pagkamuhi ko sa'yo huhuhu ha-yop ka. Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko. Ikaw ang dahilan ng pagkawala ng triplets ko. Ikaw ang dahilan ng pagka-misirable ng buhay ko. Ikaw ang dahilan ng lahat dahil anak ka ng demonyo at isa ka ring demonyo na nabubuhay na ibabaw ng lupa. Bumalik ka sa impyerno satanas ka.
Kung ayaw mong bumalik sa impyernong dapat mong tinitirhan. Hintayin mo ang pagbabalik ko Axel. Hintayin mong maging San Miguel Arkanghel ako para pugsain ang kademonyohan mo at ng pamilya mo. Pinulot ko ang may katamtamang hugis ng bato at hinagis ko ito sa dagat.
“Sanjela! Omg! Unbelievable!”
Bumalik ako sa kinaruruonan ni Rechaine. “Owkey kana? Gumaan na ba ang pakiramdam mo?”
Salamat Rechaine dahil rechargeable na ako. Nakakagutom ang ipinagawa mo sa akin. “Sira! Nagulat ako sa last scene beb. Paano mo nabuhat at naihagis sa malayo ang malaking bato na iyon? Siguro iyon ang equivalent weight ng mga pighati mo. Tara na kain na tayo unlimited foods treat ko para mapunan ang empty place diyan sa katauhan mo. Pati yata bulate napasama sa paghagis mo Sanje,” natawa nalang ako sa sinabi ni Rechaine.
Ginawa mo na akong baliw Rech, kanina lang umiyak ako at ngayon naman pinapatawad mo ako. Salamat sa pagdamay at pagbigay idea para makawala ako sa mga pasakit na nararamdaman ko ngayon.
“Wala yon Sanje, basta sikapin mo Lang na magtagumpay ka sa iyong nais marating. Aasahan mong sa di inaasahan panahon may makasalamuha kang tao na higit na makakatulong sa'yo. I mean sa muli mong pagbangon. Masaya kaming nagkukwentuhan ni Rechaine habang kumakain ng unlimited foods nga na sinasabi niya.
Dinala din niya ako sa bahay nila at ipinakilala sa Lolo at Lola nila. Makausap ko rin si Tita Jackie habang nasa bahay nila ako. Hindi nila ako pinauwi sa inuupahan kong room, nanatili ako ng ilang araw sa bahay nila. Ipinapasyal nila ako sa mga magagandang lugar sa kamaynilaan.
Nakuha ko na ang aking medical report at maayos naman ang lahat ng resulta. Hanggang sa oras na para kuhanin ko ang aking passport. Nagpaalam na ako ng maayos sa kanilang lahat. Baon ang kanilang panalangin at dasal para sa aking tagumpay masaya kong nilisan ang kanilang tahanan.
May kung anong kaligayahan ang aking nadarama ng mahawakan ko ang aking pasaporte. Ikaw ang tanging daan para sa aking tagumpay. Dalhin mo ako sa lugar kung saan maibabangon ko ang aking sarili. Ang lugar kung saan may pag-asa akong mabuksan ang aking mga pakpak para liparin ang tuktok ng aking tagumpay. Dalhin mo ako sa lugar kung saan makakalimot ako sa sakit na nanunuot sa kaibuturan ng aking puso.
*****
Araw ng aking pag-alis sakay sa taxi ni tatay Marcelo binaybay namin ang daan patungo sa Ninoy Aquino International Airport.
Sanjela hija, mag-iingat ka palagi kung saan ka man dadalhin ng iyong mga paa. Huwag na huwag mong kalimutan ang manalig sa panginoon para ikaw ay kanyang gabayan. Dinadalangin ko ang iyong tagumpay para makamit mo ang iyong mga mithiin,"payo ng matanda.
Maraming salamat po tatay Marcelo. Sa mga payo mo na hinding-hindi ko makakalimutan. Na mga payo na huwag akong panghinaan ng loob. Sa pagpapalakas mo sa akin na dapat maging matatag ako dahil ako lang ang nag-iisang kakampi ng aking sarili.
Sana po hindi pa po ito ang huling pagkikita natin tatay Marcelo. Nais ko rin po na makita ninyo ang aking tagumpay kung ako man ay papalarin sa ibang bansa. Nais kong maging proud din kayo dahil isa kayo sa naging lakas ko para magpursige. Isa po kayo na naging lakas ko para labanan ang aking kalungkutan at kahinaan. Salamat po at ikaw ay naging bahagi sa daan na tinatahak ko.
“Sanjela hija wala akong pera na maipapabaon sa iyong pag-alis. Alam mo naman na mahirap lang ang tatay Marcelo. Itong maliit na santo ñino at rosaryo lang ang nakayanan kung ipabaon sa'yo para hindi mo nakakalimutan na manalig sa puong maykapal. Tandaan mo palagi anak na ang panginoon lang ang bukod tanging tagapagligtas mo. Nais kong iparamdam sa'yo na kahit wala na ang mga tunay mong magulang. Narito ako bilang kaibigan, ama, ina at bilang tatay Marcelo mo na patuloy na ipagdasal Ka araw-araw at gabi-gabi. Isa ako sa maghihintay sa iyong muling pagbalik dito sa lupang sinilangan mo Sanjela. Hangga't pagpalain ako ng panginoon na mabuhay sa mundong ito. Isa ako sa taong maghihintay sa iyong pagbalik anak,”maluha-luhang sabi ni tatay Marcelo.
Maraming salamat po Tay, maraming, maraming salamat po. Hintayin nyo po ako sa aking pag-uwi. Huwag nyo pong palitan ang numero ninyo para makausap ko po kayo kahit nasa malayo ako.
“Sige na huwag ka nang umiyak anak, heto ilagay mo palagi sa bag mo. Para sa bawat magbukas mo sa bag mo maalala mong magpasalamat at magdasal,”sabay abot sa kanyang ng señor santo ñino at rosaryo.
Naglalakad na si Sanjela papasok sa Airport. Bago siya tuluyang pumasok sa loob nilingon muna niya ang matandang taxi driver at kinawayan ito. Gumanti naman ng kaway sabay sigaw ng mag-iingat ka Sanjela anak.“Mag-iingat ka rin po palagi sa inyong bawat byahe,”pasigaw na sagot rin ni Sanjela.
*******
Sa kompulan ng mga taong pasahero at taga sundo ng mga balikbayan. May isang nagpapanic ng marinig ang sigaw ng isang lalaki ng “Mag-iingat ka Sanjela anak!”. Hindi niya nakita ang kinatatayuan ng lalaking sumigaw sa pangalan ni Sanjela pero nakita niya ang babaeng papasok na sa loob ng Airport. Ito rin ay sumigaw ng “mag-iingat ka rin po sa inyong bawat byahe.” Si Sanjela Nieves Valdez. Hindi siya maaaring magkamali sa kanyang nakikita at sa boses nito na kanyang narinig.
Isisigaw na sana niya ang pangalan nito ng hawakan siya sa braso ng kanyang ina. “Axel hijo ang pinaka masunurin at mabait kong bunsong anak. How are you my favourite son? I miss you so much dear," sabi ng kanyang ina.
“What happened to you and why you looked so tense? May problema ba Axel son?