DOMINADOR Mabilis lang ako sa condo ni Teng, dahil sobrang lasing na ito ng ako ay makarating sa condo niya. Kakaupo ko pa lang sa harap niya at nag-uumpisa magkwento ng problema sa babae niya nakatulog agad ito. Tinawagan ko na lamang ang katiwala sa mansyon ng Lolo nito na puntahan sa condo at plakda na ito sa sofa. Inantay ko lang na makarating bago ako umalis ng tuluyan at ng meron ito kasama. Babalikan ko na lang bukas kasama si Ping. Upang silipin baka sakaling nahulasan na ng pagkalasing nito. At baka rin may naisip ng solusyon sa problema nito. Ewan ko lang bukas kung hindi sumakit ang ulo ng gago sa daming alak na nainom. Kawawa si Nanay Lita, sa daming linisin. Sukat ba naman galit si Teng sa beer sa daming basyo nakakalat sa sala nito. Walang traffic mabuti naman mabilis ako

