DOMINADOR “Pak!” Sapol ang noo ko ng biglang isarado ni Ping, ang pinto ng aking k'warto. Dammit kasalanan ko ito e. Sana kasi hindi ko na lang nilihim, sa huli nga ang pagsisi. Kung bakit ba kasi lagi kong pinangungunahan na masasaktan si Ping. Kamote ko talaga. Ano na ang gagawin ko ngayon? Dammit. Laglag ang balikat ko na tumungo ako ng sala. Pabagsak akong umupo sa leather namin sofa. Ganun din ang pagsandal ko pabagsak kong isinandal ang likod ko pagkatapos ay hinaplos ko ang noong nasaktan. Kasalanan ko, kaya magdusa ako ngayon sa galit ni Misis ko. Ano ‘di napatalsik ka ng sarili mong k'warto Dominador? Paninisi ko sa sarili ko. Eh, puro kabutihan lang naman kasi ang iniisip ko. Ang makapagpa saya kay Ping, mahirap bang intindihin ‘yon? Bakit nakalimot ako. Minsan kasi ang nasa

