JOSEPHINE Binabagtas na namin ni Ding, ang daan patungo sa mansyon na parehong walang imikan. Minsan ay lilingon siya sa akin ngunit sandali lang muling naka-focus sa pagmamaneho. Tahimik lang ako simula pa kanina dahil iba't ibang tanong ang naisip ko. What if hindi namin abutan si Itay? Kailan kaya ulit kami magkikita? Paano kaya ang Belchez company anong mangyayari, kung sakaling hindi na siya babalik dito? Ngayon sino na ang magtuloy sa negosyong pinaghirapan ni Lolo Artur. Ano bang ang nangyari sa dalawang magkapatid? Sandali pa nga lang nagkakilala at nagkasama nagkaroon agad ng hindi pagkaunawaan. Nang dahil 'yon kay Anika, lumayo ang loob ng dalawa. Sana magbago pa ang isip ni Itay Viktor na kailangan siya ng kanilang kumpanya. Huminto lang ang paglalakbay ng isip ko ng tumikhim

