JOSEPHINE “Tara na sama ka sa akin sandali lang tayo roon uwi rin agad pag natapos ang trabaho ko,” wika sa akin ni Ding. Naisip ko nakakainip din ng walang gagawin kaya pumayag ako. Dahil sa pag-aya ni Ding, saglit kong nakalimutan ang pag-alis ni Itay. Masaya akong bumangon. Pinisil pa ako sa baba ko dahil mabilis daw akong palugaran. “Wait a minute pogi kong Mister. Bibihis lang si Misis,” kindat ko pa sa kanya napahalakhak ako dahil nag-blush ito kaya bago ako umalis, ay nag-flying kiss muna ako sa kanya subalit hindi pa ako nakakalayo ay pinangko na ako nito at mabilis na binalik sa kama at dahan-dahan n'yang ibinaba. “Dominador! Aalis tayo ano ba?!” halakhak ko dahil pabiro niya akong kinagat sa leeg ko. “Parang gusto ko kasi kumain dahil may malditang nang-aasar sa akin,” mapun

