Maaga akong gumising para maipaghanda sana ang mga kapatid ko ng pagkain. Isa pa hindi rin pa ako nakakapag adjust sa timezone ng Pilipinas. Sanay pa rin ang katawan ko sa oras ng Italya. Si Luna naman ay tulog pa rin, marahil dala ng pagod sa biyahe. "Ang aga mong gumising ah. May lakad ka ate?" tanong ni Laura. Siya ang naabutan ko sa kusina na nagpapack ng pagkain ng mga kapatid namin. "Ipagluluto ko sana kayo kaya lang gising ka na pala." sabi ko na lang. Lumapit ako sa kitchen counter at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape. "Hindi kasi ako makatulog. Naalala kong may mga gagawin pa akong school works." sabi na lang nito. College na si Laura at pinag-aaral ko siya pati na rin ang mga kapatid namin. Sa isang University siya sa Espana nag-aaral dahil nakapasa siya doon. Mayroon

