Hindi ako makaimik habang nakikinig sa pag-uusap ni Francis at Uno. Para akong nasasakal sa ideya na kasama ko siya ngayon dito sa loob ng restaurant. Bukod pa roon ay makakasama ko siya bilang isa siyang client. Parang gusto ko na lang umatras sa gagawin na ito. Alam ko namang hindi alam ni Francis ang naging ugnayan at relasyon namin ni Uno. Iilan lang ang nakakaalam. Tsaka bakit baka ako dapat mahiya o matakot? May iba naman na siya. Wala na kaming ugnayan pang dalawa. What we had is already in the past. "Magaganda na rin naman po yung mga designs na nagawa ni Architect Peralta. If you want, you can check some of it , Sir." proud na sabi ni Francis. Nilingon ko si Francis na nakatingin naman sa akin. "You can show your designs na, Architect Peralta." I bite my lower lip bago k

