Buong araw ay wala silang ibang ginawa kung hindi ang mamasyal at kumain. Ramdam na ramdam niya ang kasiyahan ng mga anak niya. "Mama, papa. Sana lagi tayong ganito. Happy lang, right, Kuya?" ngiting-ngiting sabi ni Trisha habang kumakain sila ng dinner. "Yes, Isha. Don't worry, alam ko malapit na tayong maging happy and complete family," seryosong sabi naman ni Thor. Bigla naman silang nagkatinginan ni Travis at bahagyang napangiti. "Sige na mga anak, kumain na muna kayo at mamaya na kayo magkwentuhan." Nakangiting sabi niya rito at mabilis na hiniwa ang steak na nasa may plato niya. Pero ramdam na ramdam niya na nakatitig pa rin si Travis sa kan'ya. Halos isang oras pa ang itinagal nila sa may restaurant ng hotel na iyon bago tuluyang umakyat sa may kwarto nila. Mabilis naman niy

