Maaga siyang nakarating sa opisina ngayon kahit na pagod sila mula sa biyahe papauwi galing baguio kahapon. "Ma'am, kumusta naman ang family bonding niyo?" ngiting tanong ni Jinky nang dumaan siya sa may lamesa nito. "I gave him another chance," walang paligoy-ligoy na sabi niya. "Really? Wow! I am so happy for you," ngiting-ngiting sabi nito. "Masaya rin ako. Sige na, marami pa akong naiwan na trabaho. Pasok na ako sa loob." Hindi niya naiwasang mapangiti habang naglalakad papasok sa loob ng opisina niya. Masaya siya, totoong masaya siya. Mabilis na lumipas ang oras dahil sa tambak na trabahong naiwanan niya simula ng magkasakit si Trisha, idagdag pa ang pamamasyal nila ng ilang araw. Ilang saglit pa ay may kumatok sa may pintuan at bumungad sa kan'ya ang isang bugkos ng puting ro

