Pero nagulat siya nang makitang nakatitig sa kan'ya ang anak niya. Mukhang dinig na dinig nito ang mga pag-aaway nila ni Travis. "Mama.." Mabilis naman siyang lumapit dito at yumakap. "Shhh.. okay lang kami, anak." Paglabas nila ng anak niya ay gaya ng inaasahan ay wala na si Travis. Mabilis silang gumayak para bumili ng gamit sa school. Halos tanghalian na nang makabalik kaya bumili na lang siya ng pagkain kina Tuper. "Mukhang namasyal kayo, ha?" Ngiting bati sa kan'ya ni Tuper. "Hindi, ibinili ko lang ng konting gamit si Thor." Ngiti rin niya sabay linga sa loob ng canteen. "May hinahanap ka ba, Luisa?" Kunot-noong tanong nito. "Uhm, nakakahiya man. Baka may bakanteng pwesto ba rito sa may canteen? Kahit waitress lang," alanganing sabi niya. "Sinong mag-aapply? Ikaw ba?" takang t

