Halos buong gabi ay hindi na siya nito patulugin kung hindi niya lang ito inawat dahil nakaramdam siya ng pananakit ng puson. Nang makatulog si Travis ay kinabahan siya. Ngayon lang niya namalayan at naisip na halos isang buwan na pala siyang delay. Mabilis siyang napalingon sa katabi niya. Paano kung buntis siya? Paano na sila? Sa hirap ng buhay ngayon ay hindi pa nila kayang dagdagan ang anak nila. Dahil sa pag-iisip ay hindi kaagad siya nakatulog. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata niya nang magising dahil halos dalawang oras lang ang tulog niya pero kailagan niyang bumangon dahil siguradong gising na ang anak niya. Sa totoo lang ay may panahong napapagod siya pero ayaw niyang ipakita dahil mahal niya ang anak niya. Dumagdag pa sa alalahanin niya ngayon ang pagka-delay niya. Jusko, h

