Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ito kay Travis. Pero pinagpasiyahan na muna niyang mahiga at nagpahinga. "Luisa?" Nang mapatingin sa pintuan ay kita niya ang seryosong mukha ni Travis. "Bakit? Nandiyan ka na pala. Kumain ka na ba? Ipaghahain na kita." At akmang tatayo siya nang may ipinakita ito mula sa may isang kamay nito. "What is this?" Halos matigilan siya nang makita ang ginamit niyang rest kit na itinago niya sa may banyo. "Saan mo galing iyan?" "Are you pregnant?" Seryosong titig nito sa mga mata niya. Bigla naman siyang natigilan at nanlaki ang mga mata. Hindi pa ito ang tamang oras para sabihib niya pero nangyari na. Maeaman naman siyang tumango. "I am sorry, Travis." "How long did you know about this?" "K-Kahapon lang," kinakabahang sagot niya. "Why didn

