Si Travis naman ay kita niyang nakatulala sa may monitor. "Meds.." marahang tawag niya rito. "It feels good, Luisa. Napakasaya ng puso ko ngayon." At kita niya ang pagtulo ng luha sa magkabila nitong pisngi pero mabilis nito iyong pinunasan. Kumapit lang siya sa may braso nito at hinawakan ng mahigpit. Matapos ang check-up ay todo alalay si Travis sa kan'ya na kulang na lang ay buhatin na siya nito para lang hindi siya maglakad. "Damn! We really need a car this time. Hindi ka pwedeng magpagod," seryosong sabi nito pagkatapos ay iniupo siya sa may maliit nilang sofa. "Travis," tawag niya rito. "Bakit? May kailangan ka ba? May gusto ka bang kainin?" alalang tanong nito. "Sorry kung dumagdag pa ako sa gastusin natin," malungkot na sabi niya. Sobrang mahal kasi ng mga gamot na reseta s

