"Tama na Tuper, hindi ka rin naman pakikinggan niyan kasi iyong babaeng tutubi lang naman ang magaling para sa kan'ya. Kita naman niya ang pagkunot noo na tingin ni Travis sa kan'ya. "Babaeng tutubi? What?" "Tuper, eto na bayad ko. Salamat, nawalan na ako ng gana." At mabilis na siyang tumayo pagkatapos iabot ang bayad dito. Hindi na niya hinintay pang magsalita si Travis. Bagkus ay mabilis na siyang naglakad para umuwi ng bahay. Mabilis siyang pumasok ng kwarto at umupo sa may kama. "Luisa, hindi ko na nagugustuhan iyang inaasal mo," seryosong sabi nito. "Edi huwag!" "Luisa, ano bang nangyayari sa iyo?! You are being so melo-dramatic and I hate it!" inis na sabi nito. Gusto man niya itong sigawan ay mas minabuti na lang niyang manahimik. Hindi ba nito naiintindihan na nagseselos ng

