"Okay, Mr. Williams," tila nagulat ito sa pagtataas niya ng boses. Malalim siyang napabuntong-hininga. "Alright. Where is the waiver?" walang magawang sabi niya. Nang ganap na makapirma ay kaagad na ipinasok si Luisa sa Operating Room. Pagkalipas lang ng halos kalahating minuto ay inilabas na mula sa kwarto ang isang maliit at payat na sanggol. "Baby Girl Williams," sabi ng isang Doktor na sa tingin niya ay isang espesyalista sa mga bata o Pediatrician. "Is that my baby dok?" manghang tanong niya kahit na ang totoo ay naaawa siya rito. May nakakabit na oxygen dito at kung anu-ano pa. "Yes, she is weak. She is just 1000 grams, kailangan na siyang dalhin sa ICU." At mabilis na ang mga itong umalis habang tulak-tulak ang isang parang incubator. Nanghihina siyang napaupo habang umiiyak.

